^

Punto Mo

Lampong (450)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MASAYA sina Dick at Pareng Rey habang nag-iinuman. Bumaha ang inumin at siyempre ang pulutang Inasal na Itik o Inasalitik. Walang tigil sa pagkain si Dick. Gusto niyang maramdaman ang pagbabago sa kanyang katawan gaya nang nangyari kay Pareng Rey. Magkatulad pala sila ng problema ni Rey. Nasolb ang problema ni Rey dahil sa Inasal na itik.

Napansin ni Mulong na kain nang kain si Dick ng pulutang Itik.

‘‘Dati hindi ka mahilig sa itik pero ngayon, pinapapak mo na,’’

‘‘Ang sarap, Mulong. Ngayon ko lang napansin na talaga palang may kakaibang lasa ang Inasalitik.’’

‘‘Masarap naman talaga ang Inasalitik mo, Dick. Palagay ko dahil sa kinakain ng mga alaga natin ano?’’

“Oo, Mulong. Hayaan mo at isang araw ay ipagtatapat ko ang sekreto sa iyo. Ikaw ang mamamahala sa darating na araw. Kayang-kaya mong gampananan ang trabaho.’’

“Salamat Dick.’’

KINABUKASAN ay nagpaalam na si Rey. Marami itong dalang itik na idadaan daw niya sa pagsusuri. Hindi raw titigil si Rey para matuklasan ang part ng Itik na nakapagpalakas sa pagkalalaki.

“Kapag natuklasan ko na, babalik ako rito, Pareng Dick.’’

“Sige Pareng Rey. Ingat ka.’’

DUMAAN pa ang mga araw. Minsan ay pinanonood ni Dick ang dalawang naghaharutang itik. Maya-maya, pumatong ang lalaking itik sa babaing itik. Naglampungan na. Napangiti si Dick. Ganun pala yun!

(Itutuloy)

vuukle comment

DICK

INASAL

INASALITIK

ITIK

MULONG

PARENG DICK

PARENG REY

SALAMAT DICK

SIGE PARENG REY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with