^

Punto Mo

Dante Alvarez, namudmod ng P2-M sa DILG, NBI, PNP at GAB

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

GUMASTOS ng P2 milyon ang jueteng administrator na si Dante Alvarez para lang mapabuksan ang illegal na negosyo sa southern Metro Manila noong Huwebes. Ikinalat ni Alvarez na ang P2 milyon ay pinamudmod daw niya sa lahat ng operating unit ng PNP, DILG, NBI at GAB para walang raid ang jueteng niya. Sa pagkaalam ko, ayaw ni DILG Sec. Mar Roxas ng jueteng, bakit bukambibig ni Alvarez ang opisina niya? Kapag hindi kumilos si Roxas sa pananalasa ni Alvarez tiyak malaki ang magiging epekto nito sa tsansa ng una na manalo sa darating na 2016 presidential elections, di ba mga kosa? Totoo rin kaya ang ipinamalita ni Alvarez na “ayos” na ang opisina ni SPD director Chief Supt. Jet Villacorta at maging ng mga mayors sa Southern Metro Manila? Hehehe! Sa ginawa ni Alvarez, ang nasiko niya ay si alyas Allan.

Ang bangka pala ng jueteng ni Alvarez ay ang isang alyas Nilo Bantogon ng Batangas. Sinabi ng mga kosa ko na may kilala silang Nilo Bantogon na vice mayor ng Tuy, Batangas pero hindi pa malinaw kung iisang tao ang mga ito. Kapag si Bantogon na bangka ng jueteng ay ang vice mayor nga ng Tuy, dapat habulin siya ni Roxas, at kasuhan para hindi na pamarisan pa. Hindi kasi maganda na naghihigpit si Roxas sa mga kapulisan  laban sa jueteng at si Bantogon ay exempted sa higpit niya. Imbes na asikasuhin ang constituents niya, aba pagkakakitaan ang pinagkaabalahan ni Bantogon, di ba mga kosa? Mismo! Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan.

Sa totoo lang, merong kautusan si Roxas na ‘‘no take’’ ang PNP laban sa jueteng. Tumalima naman sina CIDG chief Dir. Frank ‘‘Tsunami’’ Uyami, NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo at iba pa. Si Gen. Villacorta kaya, “no take” din sa jueteng ni Alvarez? Hehehe! Ang kasagutan ay malalaman natin sa susunod na mga araw mga kosa. Kasi nga kapag kaliwa’t kanan ang raid na isasagawa ng mga bataan nina Roxas, Uyami, Garbo at Villacorta sa jueteng ni Alvarez ang ibig sabihin n’yan ay ampaw siya. Hindi totoo ang ipinagyayabang ni Alvarez na bagyo siya sa mga nabanggit na opisina at hindi gagalawin ang ilegal na negosyo n’ya. At malinaw pa sa sikat ng araw, na naloko lang ni Alvarez si Bantogon, di ba mga kosa? Ayon pa sa mga kosa ko, ang usapan ata nina Bantogon at Alvarez, magbibigay pa ang huli ng another P2 milyon kapag naka-bola na sila ng jueteng sa SPD. Tiyak, magpapakitang gilas si Alvarez para makubra niya ang another P2 milyon, di ba mga kosa?

Sa totoo lang, nag-offer pala ng malaking halaga si Alvarez kina Jun Laurel ng Taguig at Cyrus ng Makati para lumipat ang jueteng nila sa kuwadra nya. Kaya lang hanggang kahapon, napako ang pangako ni Alvarez kaya hilong-talilong ang mga kausap nya. Kapag napahinto ni Alvarez ang palaro ng kalaban nya na si Allan, tiyak limpak-limpak na salapi ang makukubra niya kay Bantogon, di mga kosa? Magaling sigurong kumumbinsi si Alvarez kaya nadugas niya si Bantogon.  Malalaman natin ang kasagutan sa susunod na mga araw mga kosa. Abangan!

 

ALVAREZ

BANTOGON

CHIEF SUPT

HEHEHE

JUETENG

KOSA

NIYA

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with