Sino ang hindi dapat pautangin?
1. Huwag pautangin ang mga bistadong sugarol o adik sa bawal na gamot.
2. Huwag pautangin ang iyong superior sa trabaho. Boss mo ’yan, mahihiya kang maningil kapag hindi siya kusang magbayad. Isa pa, unethical para sa isang superior na utangan ang kanyang tauhan. Kadalasan ay ipinagbabawal ito sa mga kompanya.
3. Huwag pautangin ang titser ng iyong anak. Ipinagbabawal iyan lalo na sa mga private schools.
4. Huwag magpapautang kung ang uutangin sa iyo ay gagamitin para ipambayad sa dati nang utang. Mababayaran ka lang nila kung may mauuto ulit sila. Kaya alamin muna kung saan gagamitin ang perang hinihiram nila.
5. Huwag pauutangin ang mga tsismosa dahil makapal ang kanilang mukha kaya balasubas.
6. Huwag pautangin ang may reputasyong nagagalit kapag hindi pinautang o nagagalit kapag sinisingil na sila.
7. Huwag pautangin ang kamag-anak na minsan mo nang nakaaway. Malaki ang tsansa na mag-away ulit kayo kapag oras na ng singilan dahil may lamat na ang inyong relasyon.
Sa hirap ng buhay ngayon, lagi mong ingatan ang iyong pera at huwag hayaang mapapunta sa kamay ng mapagsamantala at balasubas.
Magpapautang ka lang doon sa mga taong hindi ka makakadama ng galit kapag hindi ka nabayaran dahil mahal mo sila at malaki ang iyong utang na loob.
- Latest