^

Punto Mo

Lampong (445)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PAANO mo nalaman itong barangay namin, Pareng Rey?” tanong ni Dick na hindi makapaniwalang makakarating sa liblib na lugar ang kaibigan. Si Rey ay may posisyon sa BFAD. Siya ang nag-eksamin sa green capsules na binili ni Dick sa Chinese na si Mr. Chan. Ito rin ang tumulong sa kanila ni Jinky noong makidnap ni Franc sa Miguelin St.

“Ibinigay mo sa akin ang address mo, Pareng Dick. Ikinuwento mo pa nga ang lugar na ito. Matandain ako sa mga binigay mong impormasyon kaya ito, narito ako.’’

“Hindi ka naman nahi­rapan sa pagpunta rito?”

“Hindi. Enjoy nga ako dahil sumasakay pa ng SuperCat sa Batangas patungong Calapan. Ngayon lang ako nakasakay ng barko, ha-ha-ha!”

“Sana e nag-text ka sa akin para nasalubong kita.’’

“Sorpresa nga itong pagpunta ko rito. Gusto ko magulat ka, ha-ha-ha!”

“E di sana ipinagsama mo si Misis at mga anak mo.’’

“Naku busy si Misis. Nagtuturo siya sa unibersidad. Yung mga anak namin e kapwa may pasok. Pero sabi ni Misis baka sa summer e dito kami magbakasyon.’’

“Oo. Masaya ang summer dito lalo kung Mahal na Araw. May Moriones festival dito.’’

“Talaga? Naku masisi­yahan si Misis.”

“Halika pasok ka dito sa loob. May pinuntahan lang sa kabilang bahay si Jinky pero parating na  ’yun.”

Pumasok si Rey.

“Kailangan, masarap na pagkain ang ihanda sa’yo. Gusto mo ba ng ginataang hito na super anghang, ginataang labuyo na may sili o tilapia na may palamang sibuyas, ka­matis at siling labuyo?’’

“Pare ko’y alam mo naman ang paborito ko. Baka nali­mutan mo na.  Si­nabi ko sa’yo yun nang maghiwalay tayo…’’

Nag-isip si Dick.

“Ano ba ’yun Pare ko’y?”

Nagtawa si Rey.

“Roasted Itik, Pare ko’y. Yung juicy ang laman at napa­ka­linamnam.’’

“Inasal na Itik! Ha-ha-ha! Oo nga pala ano. Nalimutan ko.’’

“Alam mo Pare ko’y naghahanap ako sa Maynila ng ganoong luto pero nalibot ko na lahat ang mga kainan e wala talagang katulad ang Inasal na Itik mo.’’

“Talaga?”

“Oo Pare ko’y. Minsan nagpunta ako sa Ongpin dahil mayroon daw restoran dun na nagsi-serve ng Roasted Itik, pero hindi masarap. Peking duck yata yun. Napeke ako, ha-ha-ha!”

“Sige, kung Inasal na Itik ang wish mo, kahit ilang itik, magpapagawa tayo. Yung talagang super juicy at sarap-linamnam.’’

“Nagutom ako bigla Pare ko’y.’’

“Relaks ka lang muna. Uminom ka muna ng fresh buko juice at after one hour, may Inasal na Itik nang ihahain sa’yo…’’

(Itutuloy)

 

AKO

INASAL

ITIK

JINKY

MAY MORIONES

MIGUELIN ST.

MISIS

ROASTED ITIK

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with