^

Punto Mo

Lampong (439)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“M ABUTI na lang pala at lumabas ako kung hindi ay baka natungga mo ang dugo ng cobra. Baka nangingisay ka na ngayon Dick,” sabi ni Jinky.

“Talagang iinumin  ko na ang dugo, Jinky.’’

“Delikado pala iyon. Malay natin kung ang cobra na kinunan mo ng dugo ay nakakain pala ng daga na nilason. Diyos ko mabi­biyuda na ako.’’

“Talaga bang ayaw mo akong mamatay, Jinky.’’

“Oo naman.’’

“Kahit na walang pag-asa si Batutoy?”

“Oo. Di ba sabi ko sa’yo okey sa akin kung walang mangyari. Basta huwag ka lang mawawala. Maaari naman akong magtiis.’’

“Salamat Jinky. Ngayon ay naniniwala na ako na talagang mahal mo ako.’’

Niyakap ni Jinky si Dick at hinalikan.

“Pero hindi ako titigil sa pagre-research ukol sa problema mo kay batutoy. Makakatuklas din tayo ng paraan. Malakas ang kutob ko na meron pang paraan. Basta huwag lang ang dugo ng cobra at ibang delikadong paraan.’’

“Naniniwala ako sa’yo, Jinky. Ngayon ay lalong lumakas ang loob ko na malulunasan ito. Dahil sa’yo kaya babalik ang sigla ni Batutoy.

“Halika, matulog na tayo. Mamasahehin kita.”

Nahiga na sila. Minasahe ni Jinky si Dick hanggang sa makatulog ito.

 

KINABUKASAN, nakita ni Mulong si Dick sa kulungan ng mga itik.

“O kumusta Dick? Yung ininom mong dugo, may epekto­ na ba?”

Ikinuwento ni Dick ang nangyari. Natuwa si Mulong.

“Mabuti pala at napigil ka. Ako man, gusto na kitang pigilin kaya lang ay baka magalit ka. Kasi’y naisip ko rin na baka may lason o venom ang dugo ng cobra. Sabi ni Tandang Atong mabagsik daw ang kamandag ng cobra na iyon. Kinse minutos lang ay dedbol.’’

“Siguro ay hindi iyon ang gamot sa problema ko. Siguro ay mayroong mahusay at epektibong paraan.’’

“Oo nga. Malay mo, na­rito lang pala sa paligid-ligid ang kasagutan.’’

Napatango na lang si Dick.

“Ngayon ay alam kong buhay ka pa Dick. Kahapon, iniisip ko na baka hindi na tayo magkita.”

Nagtawa si Dick. Nagtawanan sila.

 

ISANG umaga, galing sa labas si Dick. Hinanap niya si Jinky para itanong ang mga vitamins ng mga itik. Wala ito sa kuwarto.

Hinanap niya. Pinuntahan niya  sa banyo. Nakarinig siya ng lagaslas ng tubig. Nali­ligo si Jinky. Nakaawang ang pinto. Sinilip niya. Ang ganda ng katawan ni Jinky! Walang kupas!

(Itutuloy)

AKO

BATUTOY

DICK

HINANAP

JINKY

LANG

MULONG

NGAYON

OO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with