Kamandag ng alupihan, gagamiting painkiller
KATULAD ng ahas at alakdan ang alupihan (centipede) ay mayroon ding kamandag (venom) sa katawan. Kapag ang isang tao ay nakagat ng alupihan, kakalat sa katawan ang kamandag at maaaring ikamatay kung hindi agad maisusugod sa ospital.
Ngayon, pinag-aaralan na ng mga scientist sa University of Queensland, Australia na gamiting painkiller ang kamandag ng alupihan. Ayon sa mga scientist, ang kamandag ng alupihan ay maraming medicinal benefits at makatutulong sa sangkatauhan. Abalang-abala sa kasalukuyan ang mga scientist sa nasabing unibersidad sa pagsasaliksik sa alupihan.
Naka-pokus ang kanilang atensiyon sa “alupihang pula†na karaniwang makikita sa China. Ang kamandag daw ng alipihang pula ang sinasabing pinaka-mabisa sa lahat ng uri ng alupihan. Ang kamandag daw nito ay may taglay na special peptide na babara sa specific channel kung saan nakararamdam ng pananakit ang pasyente. Dahil magbabara ang peptide, mahahadlangan ang pananakit na mararamdaman ng pasyente.
Ayon kay Prof. Glenn King, ang tao na hindi nagpa-function ang channel na tinatawag na Nav1.7 ay hindi kailanman makadarama ng sakit. At ang kamandag ng alupihan ang tanging makaka-block sa channel. At kung magkakaganoon, ito ang matatawag na powerful painkillers.
Umaasa ang mga scientist na magtatagumpay sila sa pagsaliksik sa kamandag ng alupihan.
- Latest