^

Punto Mo

Lampong (429)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SAAN galing ang mga ‘yan Mulong?” tanong ni Dick nang makita ang maraming itlog na nasa basket. Takang-taka siya.

“Itinago ko ang mga ito, Dick. Noong inuubos na ng walanghiyang Tsinoy ang mga itik natin, bigla kong naisip na magtago ng mga itlog. Mga mahuhusay na itlog ito, Dick. Galing ito sa mga itik na ang kinakain ay ang bunga ng mga uloy…”

“Napakaganda ng ginawa mo, Mulong. Alam mo ba na mahirap nang makakita ng ganoong klase ng mga itik? Iilan na lang dito sa Socorro ang may ganoong uri ng itik. Salamat Mulong.”

“Ang akala ko nga pati ang mga ito ay makikita ng mga bataan ni Mr. Chan. Mabuti na lang at tinakpan ko ng mga dayami.”

“Bakit pati kaya mga itlog ay gusto niyang ubusin?”

“Nagtataka nga ako, Dick. Para bang mayroon siyang hinahanap sa mga alaga nating itik?’’

“Masyadong malikot ang guniguni ng Tsinoy na ‘yun. Sa pagiging malikot, pati shabu laboratory ay pinasok. Dun siya nadale.”’

“Hindi kaya nag-eeksperimento ang Tsinoy na ‘yun, Dick.”

“Ano namang eksperimento?”

“Narinig ko ang pag-uusap nila ng isa niyang bodyguard na mayroon daw part ang itik na nagbibigay-sigla sa pagtatalik. Hindi ko lang narinig kung anong part ng itik ‘yun.’’

Nagtawa si Dick. Nagtaka si Mulong.

“Ba’t ka nagtawa, Dick?”

“Kasi’y mayroon nang inialok sa akin si Mr. Chan na green capsules at pampatibay daw sa pakikipagtalik. Hindi raw lulungayngay si Batutoy. Sinubukan ko. Nung una, okey pero nang sumunod na, bagsak pa rin si Batutoy. Ayaw tumuka! Nang ipag-lab test ko ang green capsule, gawgaw lang pala.’’

Nakati­ngin si Mulong kay Dick. Nagtataka.

“Ba’t mo naman naisipang mag-take ng green capsule, Dick?”

Inilapit ni Dick ang bibig kay Mulong. Ibinulong ang dahilan. At ikinuwento na rin ang dahilan ng tampuhan nila ni Jinky.

Naunawaan na ni Mulong ang lahat.

“Kaya hindi ako naniniwala na mayroong part ang itik na magpapasigla kay Batutoy. Masyadong malikot ang imahinasyon ng Tsinoy na yun, Mulong.”

Napangiti si Mulong.

“Siguro nga Dick. Baka masyado lang mahilig gumawa ng pagkakaperahan si Mr. Chan.”

“Sa katakawan niya sa pera, ayun, nadale siya. Hindi niya nadala ang pera sa kinaroroo-nan niya.”

Nadako ang usapan nila sa mga itlog.

“Palilimliman ko na ang mga itlog na ito Dick. Kapag napisa ang mga ito, makapagsisimula uli tayo.”

“Sige Mulong. Ikaw na ang bahala sa pagpapalimlim.”

Makaraan ang ilang buwan, napisa na ang mga itlog ng itik. Buhay lahat ang mga iyon. Tuwang-tuwa sina Dick at Mulong. (Itutuloy)

 

vuukle comment

BATUTOY

DICK

ITIK

ITLOG

MASYADONG

MR. CHAN

MULONG

TSINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with