Pinoy teleserye ang pinapanood mo kung…
1. Mga bata pa ang bidang lalaki at babae sa pagsisimula ng istorya. Mga bata pa pero nagpapahiwatig na sa mga eksena na nagkakagustuhan na sila. Kaya mahuhulaan ng mga viewers, paglaki nila… sila ang magiging mag-dyowa.
2. O, kaya kung magsisimula ang istorya na adult na sila, ang relasyon nila ay parang aso’t pusa. Pero sa kalagitnaan ng istorya…biglang magkakagustuhan.
3. Ang title ay hango sa lyrics ng mga kanta: Got To Believe, Muling Buksan ang Puso, Kahit Nasaan Ka Man, Bukas na Lang Kita Mamahalin, Akin pa rin ang Bukas, Iisa pa lamang, Tayong Dalawa, Maging Sino Ka Man, Mula sa Puso, Careful with my Heart, Pangako sa Iyo, Saan ka man Naroroon, Kay Tagal kang Hinintay, etc.
4. Isang dimensiyon lang ang ipinapakitang characteristic ng bida at kontrabida: Ang bida ay super bait, to the point na nagiging “shunga†(idiot) na ito. Sa sobrang bait at katangahan, hindi naiisip na lumaban. Ang kontrabida naman ay laging super bad at super talino. Lahat na ng kasamaan at paraan ng pangto-torture sa bida ay naiisip niya. Mapapaiyak talaga si Satanas dahil tinalo siya sa sobrang kasamaan. Ang nangyayari tuloy, nagiging “fake†na ang mga eksena. Hindi na kapani-paniwala. Mapapasigaw ka ng “Lintek, patayin na ang TV, aksayang kuryente lang!â€
5. Pisikal na sinasaktan ng adult character ang batang character. Napakahilig talaga ng Pinoy drama sa ganitong klaseng eksena lalo na kung tungkol ito sa istorya ng isang bata. Formula na ito sa 1950’s Pinoy drama pero hindi pa rin pinagsasawaan ng mga writers at directors. Hindi nila alam, nasusuka na ang mga manonood sa ganitong eksena. Panahon pa ni Roberta (starring Tessie Agana) ‘yan. Ibahin n’yo naman, uy! Halimbawa: Ibinalibag ni Estella (Kay Abad) si Anna Liza (Andrea) sa bunton ng mga labahin na may kasamang sabunot. Asar. Inilipat ko nga sa ibang channel.
(Itutuloy)
- Latest