^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala nang SK

Pang-masa

NILAGDAAN na ni President Noynoy Aquino kahapon ang batas na nagsususpende sa Sangguniang Kabataan (SK) para makalahok sa barangay elections sa Oktubre 28. Ipinagpaliban ang SK elections upang maisaayos daw ang sistema. Sa pagsuspende sa SK, ganap nang natuldukan ang pagnanais ng mga kabataan na magkaroon ng kapangyarihan sa barangay. Kung isasaayos ang sistema ng SK, maaaring matagalan pa ito. At malaki ang aming paniwala na hindi na magkakaroon pa ng election para sa mga kabataan sa barangay. Tapos na ang pangarap ng mga barangay chairman at kagawad na ang kani-kanilang mga anak ang humalili sa puwesto kapag sila’y nagretiro o nagsawa na sa pamumuno sa barangay.

Dapat ngang isaayos ang sistema ng SK sapagkat wala nang kinatutunguhan ang kanilang pamamalagi sa barangay bilang kinatawan ng mga kabataan. Ayon sa mga report, nawala na ang talagang layunin ng SK at hindi na nagagampanan ang tungkulin para sa mga kabataan. Masahol pa, maagang namumulat sa katiwalian ang mga lider ng SK. Ayon pa sa iba, ang kahulugan na raw ng SK ay Sinasanay sa katiwalian. Kung ano raw ang nakikitang ginagawa ng barangay chairman, ganundin ang gagawin ng SK chairman. Kaya sanay na sanay na ang mga SK para pumalit naman sa mga magreretirong barangay chairman. Natuto na sila kung paano paiikutin ang barangay.

Nabubuhay din ang political clan sa barangay. Pami-pamilya na ang tumatakbo. Ang ama ay barangay chairman, ang ina ay kagawad at ang anak ay kandidato sa SK. Kapag nagretiro ang ama, papalit ang ina at kapag nagretiro ang ina, papalit naman ang anak. Paikut-ikot lang sila sa barangay.

Tama lang ang desisyon ng Malacañang na ipagpaliban ang SK. At siguro mas maganda kung tuluyan nang bubuwagin. Habang maaga, supilin na ang pamamayagpag sa puwesto at ang nakaambang corruption sa barangay.

AYON

BARANGAY

DAPAT

HABANG

IPINAGPALIBAN

KAPAG

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with