^

Punto Mo

Lampong (419)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO naharang siya ni Franc. Nahawakan siya sa kamay at pilit siyang ipinasok sa bahay. Ma­higpit ang pagkakahawak sa kanya. Nagpipiglas siya. Tinadyakan niya ang screen door. Nagsisigaw siya.

“Tulungan n’yo ako! Tulong!”

Lingid kay Jinky nari­rinig na pala siya ng mga tambay sa kalsada. Ang mga tambay ay iyon pa ring nakita niya mula nang pumasok sa bahay ni Franc. Nagkukuwentuhan ang mga tambay. Pero hindi nila pinapansin ang ingay sa bahay ni Franc. Nagpa­tuloy lang sila sa pagkuku­wentuhan.

Para naman mapigil ang pagsigaw ni Jinky, tinakpan ni Franc ang bibig nito.

“Huwag kang sumigaw! Papatayin na kita!”

Pero lalo lamang nagpipiglas si Jinky. Tinadyakan ang anumang maaabot ng paa. Naglaglagan ang mga plato at baso nang mahagip niya ang istante. Lumikha ng ingay.

Lalong nagalit si Franc at pinagsasampal siya. Ilang beses siyang sinampal. Tulig siya. Ilang sampal na ang natatanggap niya sa demonyong ito. Kung makahahagilap siya ng patalim, sasaksakin niya nang walang patumangga ang demonyo at bahala na. Pero wala siyang makitang patalim o kahit anumang maihahampas sa demonyo. Pinag-aralan na marahil kaya inalis ang maaaring mahagip ng kamay.

Naghintay si Jinky nang pagkakataon. Nang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya, ubos lakas niyang siniko sa sikmura si Franc. Nasaktan at lumuwag ang hawak. Sinamantala ni Jinky. Dumampot siya ng basag na baso na nasa paanan niya at isinaksak sa braso ni Franc.

Pumulandit ang dugo. Nagtatakbo si Jinky pa­tungo sa screen door. Lu­mabas. Nagsisigaw siya. Na­karating sa gate. Pero nasa likuran na agad niya si Franc.

“Saklolo! Saklolo! Tulungan ninyo ako. Papatayin ako!”

Sa sigaw niyang iyon, nagulantang ang mga tambay­.

“Babae sumisigaw!”

“Tulungan natin!”

“Dali kayo!”

(Itutuloy)

FRANC

ILANG

JINKY

NAGSISIGAW

NIYA

PERO

SHY

SIYA

TULUNGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with