^

Punto Mo

Lampong (410)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

S INURI-SURI ng ka­ibigan ni Dick ang green capsule­.

“Duda ako rito Pareng Dick. Saan ba galing ito?” tanong ng kaibigan na ang pangalan ay Rey.

“Sa isang negosyanteng Tsinoy.’’

“Para saan daw ito Pareng Dick?”

Hininaan ni Dick ang boses.

“Pampatigas ng Batutoy, Pareng Rey.”

Napangiti si Rey. Muling sinipat ang capsules.

“Kung gusto mo sumama ka sa bahay ko, Pare at aking susuriin ang capsule na ito. Duda ako e.’’

“Ngayon na?”

“Oo. Malapit lang dito ang bahay ko. May gamit ako sa bahay para ma-test ito.”

“Saan ka ba nakatira, Pareng Rey?”

“Sa Simoun St. sa may kanto ng Miguelin.’’

“Sige. Actually binisita ko lang itong fastfood ko.’’

“Sa iyo pala itong INASALITIK, Pare. Napakasarap ng fried itik dito. Super lasa. Pati buto ng itik, malambot.”

“Ipagti-take out kita, Pare. Mga ilang itik ang kaya mong ubusin.”

“Pare huwag na. Baka ma­lugi ka!”

“Hindi. Ipagti-take-out kita. Mga anim na crispy itik puwede na?”

“Sige Pareng Dick. Hindi ko tatanggihan yan, he-he!”

Pagkatapos makuha ang iti-take-out ay umalis na sila. Nagtungo na sila sa bahay ni Rey sa Simoun St. Nasa kanto nga ng Miguelin ang malaking bahay ni Rey. May mini-lab pala si Rey sa basement ng bahay. Sinuri agad noon din ang green capsule. Biniyak ang capsule at inalis ang laman. Itinapat sa microscope. Pagkatapos ay kung anu-ano pang pagsusuri ang ginawa. Makaraan ang kalahating oras, may resulta na.

“Pareng Dick, gawgaw lang ito na nilagyan ng kulay green.”

Shock si Dick.

“Anooo?”

(Itutuloy)

DICK

DUDA

IPAGTI

MIGUELIN

PAGKATAPOS

PARENG DICK

PARENG REY

REY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with