Lalaking naka-gas mask laging nakikita sa liblib na lugar sa Switzerland
MALAKING palaisipan sa mga residente ng isang liblib na lugar sa Switzerland ang isang lalaking nakaÂgas mask. Ayon sa mga residente, 10 taon na nilang nakikitang pagalaÂgala sa kakahuyan ang misteryosong lalaki. Bukod sa gas mask, nakasuot din nang pang military ang lalaki.
Ang misteryosong lalaki ay tinawag na si “Le Leyonâ€. Ayon sa mga residente, arawÂaraw ay nakikita nilang naglalakad ang lalaki sa kakahuyan. Palagi raw nakaÂgas mask ito at mabilis ang paglalakad. Hindi raw nagbabago ang ruta ng lalaki sa arawÂaraw na paglalakad. Ayon pa sa mga residente, kahit kailan ay hindi nila nasilayan ang mukha ng lalaki.
IpinagtanongÂtanong na raw ang identity ng lalaki subalit walang makapagsabi kung sino ito basta nakilala lamang ito sa pangalang “Le Leyon’’. Gusto nilang malaman kung ano ang purpose ng lalaki at lagi itong nakaÂgas mask at kung bakit sa kakahuyan gumagala sa arawÂaraw. NagÂaalala raw ang mga residente na baka matakot ang mga tao lalo ang mga kababaihan kapag nakita ang lalaki sa kakahuyan.
Ayon sa isang local photographer na nakakuha ng larawan ng lalaki, isang antique type na gas mask ang suot ng lalaki. May taas umano na hindi kukulangin sa 1.9 meters. Tiningnan daw siya ng lalaki pero mabilis din itong naglakad at nawala sa ka kahuyan. Wala raw sinabing anuman ang lalaki.
Sinikap ng mga awtoridad na hanapin ang lalaking naka gas mask su balit hindi nila ito matagpuan.
- Latest