^

Punto Mo

Bagong argumento sa kanser sa cell phone

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

SA mga usap-usapan at debate kung nakapagdudulot ba ng kanser ang cell phone, merong bagong argumento at paliwanag ang Food and Drug Administration na napaulat kamakailan.

Ayon kay Agnette Peralta, direktor ng FDA-Center for Device Regulation, Radiation and Health Research,  wala pang konklusibong ebidensiya na nakakapagdulot ng kanser ang radiation na nagmumula sa mga cell phone. Tinutukoy niya ang tinatawag na Radio Frequency Radiation (RFR) pero ipinahiwatig niya na ang ganitong klase ng radiation ay matagal nang nasa paligid natin.

Hindi pa anya napapatunayan  na merong kaugnayan ang kanser at ang RFR na lumalabas sa antenna ng mobile phone, cell site, at outdoor antenna distribution systems.

Pinagbatayan din niya ang 2010 Interphone Study na isinagawa sa koordinasyon ng International Agency for Research on Cancer ng World Health Organisation.  Nabatid din na si Peralta ang tanging miyembrong Pilipino ng International Commission on Non-Ionizing Radiation Protection.

Sinabi pa niya na ang RFR level na nakukuha  mula sa cell sites at cell phone ay mas mababa pa kaysa limitadong antas ng radiation na itinakda ng Department of Health na maaaring makuha ng tao. Bukod dito, batay sa analisis sa Interphone Study, ang nakakalap na mga ebidensiya ay mas kabaliktaran sa haka-haka na nakakapagdulot ng kanser ang mobile phone.

Idinagdag pa niya na ang RFR  na nagmumula sa mga cell phone o mobile phone at cellular sites ay katulad din ng radiation na lumalabas sa mga antenna ng mga radio at  tv station, radar systems, cordless phones, walkie-talkies, wireless fidelity o Wifi routers, computer wireless adapters, at wireless baby monitors.

• • • • • •

(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa e-mail address na [email protected])

 

AGNETTE PERALTA

DEPARTMENT OF HEALTH

DEVICE REGULATION

DRUG ADMINISTRATION

INTERNATIONAL AGENCY

INTERNATIONAL COMMISSION

INTERPHONE STUDY

NON-IONIZING RADIATION PROTECTION

PHONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with