^

Punto Mo

Lampong (403)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“A NO Dick at hindi ka na makapagsalita? Mukhang ayaw mo yata ng green capsules, ha-ha-ha!” Sabi ni Mr. Chan na halos magtalsikan ang laway.

“Babayaran kita kahit magkano huwag lang ang itikan dahil sa asawa ko ’yun.’’

“E kung ayaw mo e hindi naman kita mapipilit. Ayaw ko namang mamilit sa taong ayaw.’’

“Babayaran kita ng pera, Mr. Chan.’’

“Marami na akong pera. Ang gusto ko e itikan. Ma­tagal ko nang gustong magkaroon ng itikan, Dick.’’

Napabuntunghininga si Dick. Talagang negosyante ang Tsinoy. Naisahan siya. Sabi na nga ba at reresbak sa dakong huli. Hindi sinabi na nawawala ang bisa ng capsules after ilang days. Ngayo’y itikan ang gustong kapalit ng capsules. Sabagay, epektibo naman. Talagang walang “pagkalambot” si Batutoy. Nakalipas na ang magdamag ay “hard na hard” pa rin si Batutoy.

“Ano Dick at natitigilan ka. Payag ka na ba? Hindi naman lahat nang itikan mo ang gusto ko. Kahit one fourth lang. Basta magkaroon lang ako ng itikan ay solb na ako.”

Napabuntunghininga uli si Dick.

“Gaano naman karaming capsules ang kapalit ng one fourth na itikan?”

Biglang nagtawa si Mr. Chan.

“Pang-lifetime na ang ibi­bigay ko sa’yo Dick. At yung malalakas pa ang ibi­bigay ko sa’yo. Kahit maya-maya kang “bumalibol” puwedeng-puwede! Hahabulin ka ng mga tsikas – mapa-tinedyer o matrona, ha-ha-ha!”

“Pero bakit di mo sinabi na may expiration ang capsules. Ilang araw lang ay balik lu­ngayngay si Batutoy?”

“Hindi nga special ang capsules na naibigay ko sa’yo, sample lang yun. Pero tingnan mo ang epekto kahit sample e nasiyahan ka, ha-ha-ha!”

Napatango si Dick. Tama naman si Mr. Chan. Epektib. Kapag special capsules ang ibinigay niya ay baka lalong wala nang pagkalambot 24/7.

“Ano Dick, okey na sa’yo?”

“Sige. Pero one fourth lang ng itikan.’’

“Yan ang gusto ko sa’yo, ha-ha-ha!” sabi nito at ti­nawag ang bodyguard na nasa di kalayuan.

“Kunin mo ang attaché case ko sa kotse.”

Umalis ang bodyguard at nang bumalik, dala ang attaché case. Binuksan ni Mr. Chan at kinuha ang isang dokumento na may nakasulat.

“Kasunduan ito. Pirmahan mo na, Dick. Basahin mo kung gusto mo,” sabi.

“Hindi na,” sabi ni Dick at pinirmahan ang papel.

“Ayos, ha-ha-ha!”

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANO DICK

BABAYARAN

BATUTOY

CAPSULES

DICK

ITIKAN

MR. CHAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with