^

Punto Mo

Lampong (392)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GANITO ang gusto niya sa babae. Kapag tinanong kung okey lang i-take out, sumasagot agad. Ayaw niya sa babae yung maraming pakiyeme.

“Okey ka lang ilabas, Vice? Paano ang work mo rito? Pasado alas-diyes pa lang ng gabi.”

“Hanggang 12:00 midnight lang ako. Puwede na akong umuwi.’’

“Okey. E di hintayin na kita. Tapos sa apartment kong tinutuluyan tayo magderetso. Sa Sampaloc ako nakatira --- sa may Dapitan.’’

“Okey sa akin. Sa Sampaloc din ako nakatira.”

“Saan sa Sampaloc?”

“Sa Sulucan.’’

“Alam ko ang lugar na yun ah.’’

“Bakit nakapunta ka na roon.’’

“Dati malapit ang tirahan ko roon --- sa Bustillos. Dun sa may dalawang magkalapit na simbahan.’’

“A kaya kabisado mo ang lugar.’’

“Oo. Matagal ako sa Bustillos. Isang apartment ang tirahan ko roon.’’

“E sa Dapitan, anong tirahan mo?”

“Apartment din. Pero ka-pag narito lang ako sa Maynila saka ko natitirahan. Business ang dahilan kaya ako narito.”

“A ibig sabihin, nasa pro­binsiya ang negosyo’t pamilya mo.”

“Oo. Pero wala pa kaming anak.’’

“Bakit?”

“Basta wala pa.’’

Biglang napatingin si    Vice sa relo.

“Sige babalik pa ako sa stage. Mga dalawang sayaw pa at puwede na tayong umalis.’’

“Sige Vice. Galingan mo ang pagsayaw ha.”

“Para sa’yo Dick.’’

Umalis na si Vice.

Namatay ang ilaw.

Nang mabuhay, nasa stage na ang grupo ni Vice. Iba ang costume nila. Parang mga babaing gubat.  Maninipis ang nakatapal sa maseselang bahagi ng katawan. Nagpalit-palit ang ilaw. At saka naging maharot ang tugtog.

Pinagmasdan niya si Vice. Parang hindi na nahihiya si Vice. At bagay pala ang suot na babaing gubat. Gumiling-giling ang mga babae. Hanggang sa unti-unting alisin ang mga saplot.

Hindi kumukurap si  Dick. Napakaganda ni Vice. Maganda ang katawan. Hanggang sa may kuryente na naman siyang naramdaman. Sumasagitsit. Mukhang tumatalab na ang green capsule ni Mr. Chan.

Natapos ang show.

Bumalik muli si Vice sa mesa at nagkuwentuhan sila. Isang sayaw pa at tapos na ang show ni Vice.

“Tena  na,” yaya ni Vice kay Dick.

Nagtaxi sila patungong Dapitan.

“Eto ang apartment ko, Vice,” sabi ni Dick nang nasa loob na sila.

“Okey naman pala ang tirahan mo.’’

Hindi na nakapagpigil si Dick at hinalikan si Vice.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BAKIT

BUSTILLOS

DAPITAN

HANGGANG

ISANG

MR. CHAN

SA SAMPALOC

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with