^

Punto Mo

Lampong (389)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“TALAGA bang ayaw mong ikuha kita ng tsik, Dick. Aaalis na kasi ako. Pupunta ako sa Ms. University. O baka gusto mong sumama sa akin at doon ka kumuha ng pagpapraktisan, ha-ha-ha!” Sabi ni Mr. Chan at tumayo na.

“Ako nang bahala sa sarili ko Mr. Chan. Kung kukuha ako ng tsik e ako na lang ang makakaalam. Basta epektib ito, gusto kong makatiyak.’’

“Sabi ko nga sa’yo su­bukan mo para malaman ang resulta. Hahanga ka sa husay ng green capsule, ha-ha-ha!’’

Naaasar na si Dick sa halakhak ni Mr. Chan. Halakhak na nanloloko.

‘‘Bahala na ako, Mr. Chan.’’

“Sige uuna na ako sa’yo. Basta kailanganin mo ako, tawagan mo lang ako o i-text. Lagi akong may dalang green capsules, ha-ha-ha!’’

Gustong takpan ni Dick ang taynga sa tawa ni Mr. Chan.

Umalis na si Mr. Chan.

Natahimik si Dick. Wala nang hahalakhak.

Maya-maya, tinawag niya ang waiter.

“Bigyan mo pa ako ng dalawang boteng beer at saka crispy pata. Ipahiwa mo na ang crispy pata at saka anghangan ang sawsawan.’’

“Areglado, Bossing. E umalis na pala si Mr. Chan. Kilala mo pala yun, bossing.’’

‘‘Oo. Naaasar nga ako. Tawa nang tawa.’’

‘‘Tumatalsik pa ang laway nun Bossing. Ka­ibigan yun ng may-ari nitong BlackHorse.’’

“Sabi nga. Sige dalhin mo na ang order ko at uhaw na uhaw ako.’’

“Areglado Bossing.’’

Habang hinihintay, na­nood si Dick sa mga babaing nasa stage at nagsa­sayaw. Mga naka-bra at panty ang mga tsikas. Napagmasdan niya ang isang babae sa sulok na parang nahihiya sa pagsasayaw. Maganda pero parang mahiyain.

Dumating ang order niya.

“Eto na Bossing ang order mo.’’

“Thanks. Siyanga pala kilala mo yung dancer na yun. Yung no. 13.’’

“Si Vice? Oo Bossing. Type mo?’’

“Gusto kong i-table.’’

‘‘Akong bahala, Bos­s­ing­.’’

­ (Itutuloy)

 

vuukle comment

AKO

AREGLADO BOSSING

CHAN

MR. CHAN

MS. UNIVERSITY

NAAASAR

OO BOSSING

SABI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with