‘Modus sa baha’
ABANDONADO ang halos lahat ng mga bahay partikular sa mga mabababang lugar.
Sa mga matinding naapektuhan ng kalamidad, kalbaryo ang ganitong sitwasyon.
Pero, sa mga kriminal, magandang oportunidad ito para isakatuparan ang kanilang pananamantala sa kasawian ng iba!
Ang siste, habang walang tao at walang nagbabantay sa mga bahay na naiwan, abalang-abala ang mga kawatan sa paghahakot ng lahat ng maaari nilang pakinabangan!
Hindi na bago ang ganitong senaryo. Kaya naman, ang mga kawatan, tiba-tiba sa kanilang mga nanakaw na mga kagamitan!
Nakalulungkot lang isipin na sa halip na tulungan ang mga nasalanta, e sila pa ang lalong naglulubog sa mga pobre nating mga kababayan!
Tamaan na lang sana ng kidlat ang mga kawatan na ito para mabawasan ang mga masasama sa mundo!
Patuloy na nagpapaalala ang BITAG sa publiko, laging unahin ang inyong kapakanan! Huwag mag-aatubiling lumikas kung kinakailangan at ipagpalit ang inyong kaligtasan sa mga gamit na maiiwan!
***
Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo.
Sa mga episode ng PINOY-US Cops – Ride Along at BITAG, ugaliing mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.
- Latest