Puso ni Daddy
UMATEND ang sampung taong gulang na si Lizzy ng 18th birthday party ng kanyang pinsan, kasama ang kanyang ama at ina. Habang pinapanood ang pagsasayaw ng pinsan kasama ang ama nito, tinanong ni Lizzy ang ama, “Daddy, anong ireregalo mo sa akin kapag ako ay nag-debut?â€
“Basta’t sa ikabubuti mo, kahit anong hilingin mo.â€
Nagkasakit sa puso si Lizzy nang ito ay 17 gulang. Ipinagtapat ng doctor sa mga magulang ni Lizzy na kailangan nito ng heart transplant as soon as possible upang magtagal pa ang buhay. Pilit na pinasaya ng mga magulang ang kanilang mukha nang bumalik sa hospital bed ni Lizzy.
“Malala po ba ang sakit ko sa puso?â€
“No honey, you’ll be alright,†sagot ng ama
“Daddy I want to live. Gusto kong mag-debut, gusto kong mag-boyfriend, magtrabaho, mag-asawa. Mabubuhay pa kaya ako ng matagal?â€
Hinaplos ng ama ang ulo ni Lizzy, “Yes, sisiguraduhin ko iyon.â€
Naghanap ang pamilya ng heart donor. Ilang araw bago siya mag-18th birthday, dumating ang heart donor. Birthday ni Lizzy nang isagawa ang heart transplant. Nagtagumpay ang operasyon. Nang magkamalay ay napansin niyang wala ang kanyang Daddy. Idinahilan ng ina na biglang ipinadala ang ama ng unibersidad na pinagtuturuan nito sa US para kumuha ng Ph.D. Nang malakas na si Lizzy ay saka ibinigay ng ina ang liham ng kanyang daddy:
“Anak, natatandaan mo pa noong nagtanong ka sa akin kung ano ang ireregalo ko pagsapit ng iyong 18th birthday? Last year, noong wala kaming makuhang donor, naisip ko bigla kung anong ireregalo ko sa iyo. I decided to give you my heart. I love you.â€
- Latest