Babangon na imahe
Kahapon sa ika-112 anibersaryo ng Police Service na ginanap sa Camp Crame kung saan si Pangulong Noynoy Aquino ang panauhing pandangal, matindi ang kautusan nito sa pamunuan ng PNP.
Ito ay ang tuldukan na ang ‘pulis patola’ at mga scalawags at iangat nang husto ang kalidad ng serbisyo sa mga mamamayan.
Mahigpit ang sinabi ni PNoy na dapat nang malinis ang hanay ng PNP sa mga scalawags na siyang sumisira sa imahe ng kapulisan.
Kasabay naman nito ang pagbabangon hindi lamang sa imahe ng mga pulis kundi maging sa kanilang mga gamit sa pagtupad ng tungkulin.
Inaasahan ang pagdating ng bulto-bulto pang 9mm Glock Pistol sa mga susunod na buwan para maarmasan na ang lahat ng pulis.
Sa tala ng PNP, nasa 37,578 units na ng Glock 17 9mm pistol ang nai-deliver na mula sa kabuuang 74,879 units para sa PNP na pinondohan ng halos P1.2 bilyon.
Tiniyak din ni PNoy ang P 9 bilyong pondo para sa capability enhancement program ng PNP. Bahagi nito ay ang P2.86 bilyon na naipalabas na ng Department of Budget and Management noong nakalipas na linggo.
Sa pondo ring ito, inaasahang mapapalakas ang police visibility sa mga lansangan dahil ilalabas na ang halos lahat ng mga pulis sa kalye.
Dito kasi kukuha naman ng pondo para makapag-hire ng may 30,000 sibilyang empleyado na siya nang gagawa ng admiÂnistrative work na dating hinahawakan ng mga pulis.
Nakatakda ring bumili ang PNP ng karagdagang 50,000 long rifle bukod pa sa 2,000 patrol cars na ipamamahagi sa mga himÂpilan ng pulisya sa buong bansa. Maganda ang inaasaÂhang modernization na ito ng PNP na sana nga ay magkaroon ng agad-agad na katuparan.
Malinis na ngang tuluyan sa mga scalawag sa hanay at muÂling maibangon ang imahe ng kapulisan.
- Latest