Lalaki, naging mahusay na artist makaraang sumailalim sa heart transplant
SA buong buhay ni William Sheridan ng New York, hindi pa siya nakakahawak ng brush o anumang gamit sa pagpipinta. Hindi siya nakakapag-sketch. Hindi rin niya alam kung paano magpinta gamit ang water color, oil paint at iba pang medium. Pero nang operahan siya sa puso, isang malaking pagbabago ang nangyari kay Sheridan, naging mahusay siyang artist-painter. At maski si Sheridan ay hindi maipaliwanag kung bakit bigla siyang nahilig sa pagpipinta. Nagkaroon siya nang matinding pagkahumaling sa art. Napaka-gaganda ng kanyang sketches at marami ang humanga sa kanyang talento sa pagguhit.
Sumailalim sa heart transplant si Sheridan noong siya 63-anyos. Matagal din ang kanyang ipinaghintay bago naÂisakatuparan ang transplant sapagkat walang pa siyang donor. Dumadaan din sa matinding pagsusuri ang lahat bago makapag-transplant.
Hanggang sa matupad din ang kanyang pinaka-hihintay. Mayroon na siyang organ donor. Agad siyang isinailalim sa operasyon.
Naging matagumpay ang transplant kay Sheridan. Mahusay ang kanyang doctor. Tuwang-tuwa siya at maging ang kanyang paÂmilya. Nadugtungan ang kanyang buhay.
Nagpapagaling siya sa opeÂrasyon nang magsimula ang kanyang pagkahilig sa pagpiÂpinta. Marami siyang na-sketch habang nasa recovery room at napaka-gaganda. Maski ang mga doctor ay humanga sa kanyang mga likha.
Hanggang sa matuklasan ni Sheridan na ang kanyang organ donor pala ay isang mahusay na artist. Iyon pala ang dahilan ng kanyang pagiging mahusay magpinta.
Ayon sa mga eksperto, ang phenoÂmenon na iyon ay tinatawag na cellular memory. Hindi lamang umano ang utak ang may meÂmory kundi pati ang ibang organs ng katawan gaya ng puso, kamay at iba pa.
- Latest