12-anyos na babae sa China, hindi mapigilan ang pagtawa
NABABAHALA ang mag-asawa sa Chongqing, China sa kalagayan ng kanilang anak na babae na hindi mapigilan ang pagtawa. Sa loob ng 12 taon, tawa nang tawa ang kanilang anak na si Xu Pinghui. Hindi malaman ng mag-asawang Yang Longying at Xu Weiming ang gagawin para malunasan ang karamdaman ng kanilang anak. Ganoon man sabi ng ama, mas gugustuhin naman niyang tawa nang tawa ang anak kaysa iyak ito nang iyak. Mas nakaaawang tingnan daw kapag umiiyak ang bata.
Ayon kay Longying, nagsimula ang kakaibang sakit ng kanilang anak na si Pinghui nang lagnatin ito nang napakataas noong walong buwan lamang ito. Mula raw noon, hindi na mapigilan ang pagtawa ng kanilang anak.
Mas lalo na umano silang nabahalang mag-asawa nang mag-dalawang taong gulang si Pinghui sapagkat hindi na ito makapagsalita at tawa lang nang tawa.
Ayon sa amang si Weiming, nagkabaon-baon na sila sa utang dahil sa pagpapagamot kay Pinghui. Bahagi umano ng kanyang sahod ay nagagastos sa anak. Kung kani-kanino umano silang doctor nagtungo subalit hindi malaman o matukoy ang sakit ng anak.
Isang neurologist sa Chongqing Medical College ang nagpayo na isailaÂlim sa brain scan si Pinghui para malaman kung ano ang dahilan at tawa nang tawa sa loob ng 12 taon ang dalagita.
- Latest

















