^

Punto Mo

Gansa, gagamiting guwardiya sa Police stations sa China

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA halip na aso, gansa na ang gagamitin ng mga awtoridad para magguwar­diya sa police stations doon. Mas alerto umano ang mga gansa kaysa aso. Matalas ang mga mata at super ang pandinig. Kaunti lang daw kaluskos, ingay o yabag ay humuhuni nang malakas ang gansa kaya nabibigyan ng babala ang mga pulis.

Ayon sa awtoridad, na­ subukan nila ang pagka­alerto at katapangan ng gansa sa isang police station sa Xinjiang province. Umano’y napigilan ang isang lalaki sa pagkuha ng bisikleta na kinumpiska ng mga pulis. Umano’y biglang duma-ting sa station ang lalaki at walang paalam na pumasok para kunin ang kanyang bike.

Pero hindi nakaligtas sa guwardiyang gansa ang pangahas na lalaki. Biglang humuni nang malakas ang gansa at hinabol ang lalaki. Sa lakas ng huni, naalerto ang mga pulis at agad lumabas para tingnan kung ano ang nangyari at naging maingay ang gansa. Nakita nila ang lalaki na kinukuha na ang bike.

Inaresto ang lalaki at kinasuhan ng mga pulis.

Napatunayan na mas mahusay na guwardiya ang gansa kaya ito na lamang ang gagamitin ng mga pulis kaysa sa mga aso. Bukod sa pagiging guwardiya, nangi­ngitlog pa kaya doble ang pakinabang.

AYON

BIGLANG

BUKOD

GANSA

INARESTO

KAUNTI

LALAKI

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with