^

Punto Mo

Killer ng mga matatandang babae nahatulang mabilanggo ng 759 years!

- Arnel Medina - Pang-masa

HANGGANG ngayon, isang malaking palaisipan pa rin kung bakit pawang matatandang babae ang biniktima ni Juana Barraza, ang Mexican na nahatulan ng 759 na taong pagkabilanggo dahil sa krimen. Ayon sa awtoridad nasa 29 hanggang 49 ang pinatay ni Barraza. Pero ang sabi ni Barraza, apat lamang ang biktima niya. Si Barraza ay isang professional wrestler.

Ipinanganak si Barazza noong 1956. Ang kanyang ina ay alcoholic. Mula pagkabata, pawang pagmamalupit na umano ang naranasan ni Barraza­ sa kanyang ina.

Ang pinaka-matinding kalupitan na naranasan umano ni Barraza sa kanyang ina ay nang ibenta siya nito sa isang lalaki, kapalit ng tatlong bote ng beer.

Paulit-ulit na ginahasa si Barraza ng lalaki. Nabuntis si Barraza at na­nganak ng lalaki. Nasundan pa ang pagbubuntis niya at nanganak pa ng tatlo.

Ayon sa awtoridad, nagsimula ang pagpatay ni Barraza noong 1990. Pawang ang biktima niya ay mga matatandang babae na ang edad ay 60 pataas.

Pawang matatanda na nag-iisang namumuhay ang target niya. Isa sa modus ni Barraza ay magkukunwaring government official para makapasok sa bahay ng matanda. Kapag naka­pasok na sa bahay, papatayin na niya ang matanda at saka pagnanakawan. Sinasakal umano ni Barraza ang kanyang mga biktima hanggang sa mamatay.

Nahirapan ang pulisya kung paano mahuhuli ang “killer ng mga matatandang babae”. Batay sa mga testigo, lalaki ang killer na nakasuot babae. Malaki umano ang katawan ng killer.

Kaya nang mahuli si Barraza makaraang patayin ang huli niyang biktima, nagulat ang mga pulis sa­pagkat isa pala itong babae.

Noong 2008, nilitis siya at napatunayang guilty. Hinatulan siyang mabilanggo ng 759 years.

AYON

BARAZZA

BARRAZA

BATAY

HINATULAN

IPINANGANAK

JUANA BARRAZA

PAWANG

SI BARRAZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with