^

Punto Mo

‘Misteryo’ sa pagbagsak ng Air France flight 447

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BUMAGSAK sa Atlantic Ocean ang Air France Flight 447 noong Hunyo 1, 2009. Namatay lahat ang 216 pasahero at 12 flight attendants. Naging malaking misteryo ang pagbagsak ng Air France sapagkat ang eroplanong ito, isang Airbus 330-203 ay itinuturing na pinaka-safest aircraft sa kasaysayan. Walang kinasangkutang aksidente ang aircraft.

Nanggaling ang Air France sa Galeao International Airport sa Rio de Janiero, Brazil at patungong Charles de Gaulle International Airport, France. Dahil sa haba ng biyahe, tatlong piloto ang nagrerelyebo. Natutulog muna ang isang piloto sa sleeping quarter nila malapit sa cockpit. Kapag dumating ang oras nang pagpapalit ng piloto, babangon ang natutulog at ang isa namang piloto ang matutulog. Kapag nakatapos ang ikalawang piloto, ang isa naman ang matutulog.

Pero nagtaka ang nasa air traffic control sapagkat ang naka-schedule na planned contact ng piloto sa kanila ay wala. Biglang nawala ang contact sa Flight 447. Wala ring maydal call at anumang mensahe.

Lumipas pa ang ilang oras bago nalaman na bumagsak na pala   ang Flight 447 sa malalim na karagatan ng Atlantic.

Nahirapan ang mga awtoridad kung paano matutukoy ang eksaktong kinaroroonan ng eroplano. Wala rin silang alam kung ano ang dahilan at bumagsak.

Nawalan na ng pag-asa ang mga imbestigador nang lumipas ang 30 araw na hindi natatagpuan ang black boxes. Ang block boxes ang susi kung bakit nangyari ang disaster. Subalit hindi tumigil ang French authorities sa paghahanap.

Lumipas ang dalawang taon at walang eroplanong natagpuan. Hanggang isang private company ang inatasang maghanap sa na­wawalang eroplano. Noong May 2011, natagpuan ang eroplano sa pusod ng dagat. Nakuha ang bangkay ng 100 pasahero. Nakuha rin ang black boxes at natuklasan ang misteryo sa pagbagsak ng Flight 447.

Ayon sa French Navy, pilot error ang nangyari. Nangyari iyon nang magkaroon ng relyebo ang tatlong piloto. Nawalan ng control ang pumalit na piloto dahil sa matinding turbulence at hindi nito naibalik sa dating posisyon ang eroplano. Nagpanic na ang cabin crews. Bumagsak ang eroplano sa Atlantic.

Bagamat nalutas na ang misteryo sa pagbagsak ng Flight 447, marami pa rin ang hindi makapaniwala kung paanong ang tatlong experienced pilots ay nagkamali at nawalan ng control sa eroplano. (www.listverse.com)

AIR FRANCE

AIR FRANCE FLIGHT

ATLANTIC OCEAN

FRENCH NAVY

GALEAO INTERNATIONAL AIRPORT

GAULLE INTERNATIONAL AIRPORT

KAPAG

LUMIPAS

NAKUHA

PILOTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with