Mahigit 10,000 pagong, natagpuan sa maleta ng 2 pasahero sa Indian airport
GULAT na gulat ang mga Customs officials sa Netaji Subhas Chandra Bose International Airport sa Kolkata, India nang makita ang napakaraming sea turtle (pagong dagat) sa dalawang maleta. Pawang mga buhay ang pagong at nagpipilit gumapang ang ilan palabas.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-smuggled ng sea turtles sapagkat endangered specie na ang mga ito. Pakonti nang pakonti ang mga ito sapagkat apektado ang mga ito ng pollution at nang walang pakundangang paghuli. Umano’y mataas ang presyo ng mga pagong sapagkat pinaniniwalaang pampagana ito sa pakikipagtalik at ginagamit ding lunas para sa iba pang sakit. Ayon sa World Wildlife Fund, mapaparusahan ang sinumang mahuling nag-i-smuggled ng sea turtles.
Ang dalawang lalaki (pawang Indian nationals) na nahulihan ng mga pagong sa kanilang maleta ay galing sa China at patungo ng Singapore. Nag-stopover ang eroplano sa Indian airport. Nang bilangin ang mga pagong sa kanilang maleta, umabot iyon sa 10,043.
Agad pinigil ang dalawang lalaki at nahaharap sila sa kasong smuggling ng endangered specie.
- Latest