Cell phone maaaring i-recharge ng kuryenteng nanggaling sa ihi
HINDI lamang mula sa waterfalls manggagaling ang kuryente kundi pati na rin sa ihi. At kapag nagtagumpay ito, ang unang makikinabang ay ang mga may cell phone sapagkat dito unang susubukan ang unang urine powered electricity generator.
Sabi ni Dr. Ioannis Ieropoulos ng University of Bristol sa England, kapag nagtagumpay ang research, ito ang magiging kauna-unahan sa kasaysayan.
Ayon kay Ieropoulos, kapag nakapag-generate ng kurÂyente mula sa ihi, maaari itong gamitin para i-recharge ang cell phone. Habang nire-recharged, puwede ring tumawag, mag-text o kaya’y mag-browse sa internet.
Ipinaliwanag ni Ieropoulos ang sistema: Dadaan umano ang ihi sa microbial fuel cells kung saan imi-metabolized ito ng microorganisms at makakalikha na ng kuryente.
“Ito ay isang exciting na discovery. Kauna-unahan sa mundo na ang waste product ay pagkukunan ng source of power para makalikha ng elektriÂsidad.â€
- Latest