^

Punto Mo

‘Beinte otso metros’

- Tony Calvento - Pang-masa

MALAKAS kang magtapon ng bato sa langit, asahan mong doble ang bilis ng pagbaba nito. Huwag kang ‘aaray’ kung sa iyo lumagpak ito. 

Giniba ang dingding, inalis ang lababo, sinira ang sahig na wala man lang ipinakikitang permiso mula sa korte – ito ang mga dahilan kung bakit inis na nagtungo sa aming tanggapan si  Felisa Legaspi, 57, taga-Punta, Sta. Ana, Manila.

 Hiwalay sa asawa si Aling Feli at nag-iisa na sa buhay. Ang kanyang anak lahat ay may kanya-kanyang pamilya.

Nakatira siya sa bahay na ipinamana sa kanilang magkaka­patid ng kanilang ina. Hinati-hati nila ito sa tatlo. Sa taas nakatira ang bunso niyang kapatid kasama ang pamilya nito samantalang hinati nila ng kuya niya ang ibabang bahagi ng bahay.

Nagsimulang maging masalimuot ang buhay niya nung binili ng magkapatid na Jowell at Johnson Visperas ang maliit na parte ng bahay ng kanyang bunsong kapatid noong Marso 2013.

“Nung inayos nila ang bahay, nadamay pati ang amin ng kuya ko sa baba. Sinira nila ang dingding pati ang lababo ko. Kung umuulan bumabaha na sa bahay namin,” sumbong ni Aling Feli.

“Pati ang kuya ko, na-stroke na dahil sa mga pinaggagagawa ng magkapatid na yan,” dagdag ni Feli.

Para umiwas sa gulo pumunta agad sila Feli at ang kanyang kuya Jun sa Barangay Hall. Pero sinabi lang daw sa kanilang wala silang karapatang magreklamo dahil sila ang inirereklamo.

 â€œSabi pa sa ’min wala raw silang pakialam dahil under daw kami ng asosasyon,” wika niya.

 Nung nagpunta sila sa ‘Homeowner’s Association’, ang magkapatid na Visperas  daw ang kinatigan nito. Giit pa ng Asosasyon dapat hanggang 28 metro kwadrado lang ang pagmamay-aring lupa ng mga informal settlers. Dahil sobra ng walong metro ang bahay ng magkakapatid, kailangang ibigay ito kina Jowell at Johnson. 

Lumapit na sa aming tanggapan sila ALing Feli at ang kuya niya sa unang pagkakataon noong Abril.

Binigyan namin sila ng referral letter para makapunta sa Public Attorney’s Office (PAO). Nabigo  ang mga ito nang malamang hindi sila pwedeng maghain ng reklamo sa magkapatid dahil wala silang titulo ng bahay.

Hindi na nakipaglaban pa ang magkapatid tungkol sa bahay. Dahil sa mga ginagawa umano ng magkapatid na Visperas, madalas nang maospital sila Aling Feli at ang kanyang kuya.

Nang lumaon ay hindi na makayanan ng kuya niya at nagpasundo na ito sa anak. Siya na lang ang naiwang mag-isa sa pakiki­paglaban sa bahay na sinasabi niyang sa kanila.

Hanggang sa tanghali ng Hulyo 12 ay may natanggap siyang patawag (summons) ga­ling sa Metropolitan Trial Court. Sinasabi ditong inire­reklamo siya ng magkapatid na Visperas dahil ayaw pa rin niyang ibigay ang parte ng magkapatid.

Nang binasa pa niya ay napag-alaman niyang malaking pera rin ang sisingilin sa kanya kapag matalo siya sa kaso kaya wala na siyang ibang nagawa kundi ang lumapit ulit sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Aling Feli Legaspi.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, naniniwala kaming sa anumang bagay kailangan ng ‘due process’. Naaayon sa batas na walang sinuman ang pwedeng manira ng pagmamay-ari ng tao na hindi dadaan sa tamang proseso.

Masasabing ang ginawa ng magkapatid na Visperas ay hindi makatarungan kahit pa sa huli ay tinanggap ng Metropolitan Trial Court ang kanilang reklamo, wala pa namang pinal na desisyon o ‘writ of execution’ na may kaakibat na ‘demolition order’.

Hindi ang ‘Homeowners Association’ ang may kapangyarihan na ipag-utos nito.

Maari silang magsampa ng ‘Coercion, Maliscious Mischief with Damage to Property’ para makakuha sila ng danyos sa mga na pinsala na kanilang ari-arian at pinagdaanan nilang ‘mental torture at anguish’.  (KINALAP NI MIG RAMIREZ)

Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen).  Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor City State Center bldg., Shaw Blvd.,  Pasig City mula Lunes-Biyernes.

ALING FELI

ALING FELI LEGASPI

BAHAY

FELI

MAGKAPATID

METROPOLITAN TRIAL COURT

SILA

VISPERAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with