^

Punto Mo

Kabetchay

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

ISANG mare ko ang nag-text: “Bettinna, almost a year na akong with someone na may girlfriend. Alam ko na may girlfriend siya sa simula pa lang ng lahat but di ko matigilan. And worst, di ako nakokonsensya but nahihirapan ako of course. Kasi syempre tinatago ako at hindi alam ng family ko. Akala ako yung legal na gf nya. Kaso di ko maiwan. Help ano ang gagawin ko?”

Unang-una, the fact na dumulog ka sa akin, ibig sabihin alam mong malaki ang problema mo. Ang tanong ko lang, ano ang mayroon ang lalaking ito na kaya mong isakripisyo ang prinsipyo mo para ipagpatuloy ang bawal na relasyon? Sex ba? Companionship? Kung mahal ka talaga ng lalaking iyan ay pipiliin ka niya. Pero tumagal na ng isang taon ang pagtatago ninyo. Hindi ka ba napapaisip kung saan pupunta ang pagsasama niyo? Sa wala. Hinding-hindi ka liligaya sa lalaking iyan dahil mali ang relasyon n’yo. Ikalawa, may tinatapakan kayong mga tao. At kahit pa sabihin mong hindi ka nakukonsensiya, hello, konsensiya mo ang nag-udyok sa iyong magtanong sa akin at humingi ng payo. Good sign iyan na nakukonsensiya ka, ibig sabihin ay mabuti ka. Kaya itigil mo na ang bawal na relasyong iyan. 

Kung hindi ka natatakot sa karma at sariling sarap at kaligayahan lang ang iniisip mo kaya hindi mo siya magawang hiwalayan, isipin mo na lang ang pamilya mo at ang kahihiyang maidudulot mo sa kanila kapag nagkataong nabuko na ikaw ay isang kabit. Isipin mo ang nanay mo na mag-isang nagpalaki sa inyong magkakapatid dahil maaga kayong nilisan ng tatay mo. Pati na rin ang mga kapatid mo kung anong klaseng halimbawa ang ipakikita mo sa kanila bilang ikaw ang panganay. 

Friend, you deserve to be with someone unattached. Doon ka liligaya sa piling ng taong ikaw lang ang nag-iisa sa buhay niya. One and only at hindi number two. At maipagmamalaki n’yo sa kahit na sino na kayo ay magkasintahan at hindi n’yo kailangang magtago.

Magdasal ka at humingi ng tulong sa Diyos na makawala sa sitwasyong iyan. Kapag humingi ka ng tulong, tutu­lungan ka niya. 

Don’t think a right can come out of a wrong.

ALAM

BETTINNA

DIYOS

IKALAWA

ISIPIN

KAPAG

KASI

KASO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with