Lampong (346)
“BAKIT ka nakatingin sa akin, Mulong?’’ tanong ni Tina na tila nahihiya sa pagkakatitig ni Mulong.
‘‘Napansin ko kasi na ang ganda mo ngayon, Tina.’’
‘‘Tumigil ka nga diyan, Romulo.’’
‘‘Totoo naman, Tina.’’
‘‘Puro ka kalokohan, Romulo.’’
‘‘Huwag mo namang buuin ang pangalan ko at masyadong seryoso. Muls na lang.’’
Nagtawa si Tina.
‘‘Ba’t nagtawa ka nang sinabi kong Muls na lang ang itawag mo sa akin?’’
‘‘Kasi hindi bagay ang Muls. Mulong talaga ang fit na fit sa iyo, he-he!’’
‘‘Ikaw ha, niloloko mo name ko. Kinuha pa naman yan sa magaling na si Carlos P. Romulo.’’
‘‘Ah, sa kanya ba kinuha ang name mo?’’
“Oo. Sabi ng tatay ko mahusay na foreign affairs secretary si Romulo. Kapag yun daw ang pinangalan sa akin ay baka tumanyag din ako. Pero hindi nagkatotoo. Hindi nga ako nakatapos ng college. Buti ka pa at nakatapos ng business administration, Tina.’’
“Nag-working student ako, Mulong. Di ba magsasaka lang si Itay at si Inay naman ay walang trabaho. Kung hindi ako nag-working, hindi ako makakatapos.’’
“Sabagay noon pang nasa high school tayo ay masipag ka na at matalino…’’
“Hindi naman.’’
‘‘Totoo, Tina. At ngayon, bukod sa matalino at masipag ay napakaganda pa.’’
“Ikaw Mulong ha, niloloko mo ako.’’
‘‘Hindi kita niloloko. Paano ako manloloko ay ni hindi pa nga ako nagkakasiyota. Ngayon nga lang nakapagsalita nang harapan sa isang magandang tsik na katulad mo.’’
Napahagikgik si Tina.
‘‘Huwag mo ngang ilakas ang boses mo at baka may makarinig ay nakakahiya.’’
“Kahit may makarinig wala akong pakialam dahil totoo naman ang sinasabi ko.’’
“Di ba mayroon ka nang pamilya, Mulong?’’
Napahagikgik si Mulong.
“Pamilya? Wala nga akong siyota e pamilya pa?’’
‘‘Bakit sabi ni Sir Dick ay mayroon kang bahay sa Socorro. Nakapunta na raw siya sa bahay mo. Noon yatang ni-recruit ka para maging tagabantay ng itikan.’’
“Oo, may bahay ako sa Socorro. Doon ako nakatira. Dun ko nga tinuruan ng martial arts si Dick.’’
“Wala kang asawa?’’
Humagikgik uli si Mulong.
“Wala akong asawa.’’
‘‘Anak?’’
Nagtawa si Mulong.
‘‘Asawa nga wala, anak pa?’’
‘‘Aba malay ko kung may anak ka sa pagkabinata.’’’
“Ay virgin pa po ako.’’
Napahagikgik uli si Tina.
“Puro ka biro, Mulong. Hindi ko alam kung nagsasabi ka nang totoo o hindi.’’
“Totoo ang sinasabi ko, Tina. Binata ako at walang asawa at anak. At muli kong sasabihin na napakaganda mo.’’
Kinurot ni Tina si Mulong sa tagiliran. Napaiktad si Mulong.
Nasa ganoon silang sitwasÂyon nang makita nila si Mam Jinky na paparating. (Itutuloy)
- Latest