^

Punto Mo

Walong taon sa kamay ng kidnapper-rapist!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAHAPON ay nalathala sa column na ito ang istorya ng isang babaing tinedyer na kinidnap at ginahasa ng isang lalaki sa loob ng 10 araw, pero dahil sa tapang at lakas, nakatakas siya at nahuli ang rapist.

Ngayon isa pang babae --- si Natascha Kampusch ng Austria ang kinidnap din at ginahasa ng isang lalaki. Subalit mahabang taon ang ipinagtiis niya bago nakatakas --- walong taon at limang buwan!

Ayon kay Natascha, naglalakad siya patungo sa school noong Marso 2, 1998 nang bigla siyang haltakin ng isang lalaki at sapilitang isinakay sa kanyang van. Sampung taong gulang si Natascha ng mga panahong iyon. Ang lalaki ay nakilalang si Wolfgang Priklopil.

Dinala siya ng kidnaper sa bahay nito at ikinulong sa isang maliit na kuwarto na walang bintana.

Inireport ng kanyang mga magulang ang pagkawala ni Natascha. Nagsagawa naman ng paghahanap ang mga pulis at ikinalat ang kanyang mga retrato. Ipinakita rin sa TV ang kanyang mukha para mapabilis ang paghahanap. Subalit bigo ang paghahanap sa bata. Walang makapagturo kung nasaan ang magandang si Natascha.

Hanggang lumipas ang walong taon na walang balita kay Natascha.

Ayon kay Natascha, sa unang mga araw niya sa piling ng kidnaper ay mabuti ang turing nito sa kanya. Subalit habang tumatagal, naging bayolente ito. Binubugbog siya ng 200 beses sa loob ng isang linggo. Dahil sa pambubugbog, may mga buto siyang nabali.

Araw-araw din siyang ginagahasa. Hindi siya pinala­labas sa maliit na kuwarto. Pawang kadiliman ang kanyang nakikita. Ayon kay Natascha, sa loob ng walong taon, ilang beses lang siyang hinayaang makalabas sa kuwarto.

Ayon pa kay Natascha, puwersahan din daw siyang ginupitan ng buhok ni Wolfgang. Kinalbo siya sapagkat ang turing sa kanya ay isang alipin. Lahat nang buhok o balahibo ay inalis sa kanya. Dapat din daw na ang itawag niya kay Wolfgang ay “My Lord”.

Dahil sa matinding pag-abuso, tinangka ni Natascha na magpakamatay. Tatlong beses siyang nagtangkang mag-suicide subalit hindi natuloy.

Noong Agosto 26, 2006, (18 years old na si Natascha noon) bina-vacuum niya ang van ni Wolfgang nang bigla siyang makakita ng pagkakataon. Nakita niya na may kausap sa phone si Wolfgang.

Tumakbo siya. Kahit hirap na hirap pinilit niyang makalayo sa bahay ni Wolfgang. Hanggang sa matagpuan siya ng mga pulis at nakapiling ang mga magulang.

Hinanap ng mga pulis si Wolfgang pero wala na ito sa bahay. Isang linggo ang nakalipas, nagpasagasa ito sa paparating na train.

Isinailalim naman si Natascha sa matinding pangangalaga ng doktor. Matindi ang dinanas niya sa loob ng walong taon. Sa edad na 18, tumitimbang lamang siya ng 106 lbs. Ang kanyang balat ay parang sa chalk na puting-puti. Masya­dong sensitive ang kanyang mga mata sa liwanag.

Ganoon man, pinilit ni Natascha na maging positibo at kalimutan ang masasakit na nangyari sa kanyang buhay. Unti-unti nagawa niya.

 

AYON

DAHIL

ISANG

KANYANG

NATASCHA

SIYA

SUBALIT

WOLFGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with