^

Punto Mo

2 araw na number coding, huwag naman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

(Masalimuot kadalasan ang buhay ng isang pulis, mapa-trabaho o personal man. Inaanyayahan ko kayong tunghayan ang inyong SOCO kung saan matutunghayan ninyo ang kwento ng isang magaling na pulis na pinapatay ng kanyang naka-live-in. Isang hired killer ang ginamit sa krimen, abangan sa kuwento sa Sabado alas- 4 ng hapon sa ABS-CBN Channel 2.)

Naku po! Mistulang desperado na ang MMDA dahil sa hindi masolusyunang problema sa matinding trapik sa Metro Manila kaya naiisip nilang isulong ang panibagong coding scheme na dito magiging dalawang araw ang number coding ng mga sasakyan sa loob ng isang linggo.

Kung dati ay isang beses na hindi mailalabas ang iyong sasakyan, ngayon nga pinaplano ng kagawaran na baka raw pwedeng gawing dalawang araw.

Lalabas dito na apat na numero na ang magiging sakop ng number coding sa kada araw mula sa dalawang araw lamang.

Halimbawa nga dito na tuwing Lunes kung saan sa kasalukuyang ipinatutupad na coding scheme ang mga sasakyan ang plaka ay nagtatapos sa 1 at 2 lamang ang bawal bumiyahe sa mga lansangan, sa bagong panukala, magiging apat na ito 1, 2, 3 at 4 hanggang sa maulit -uli ang mga numerong ito at ganito rin ang iba pa.

Sa tantiya ng MMDA sakali raw na maipatupad ito, mga 40 porsiyento raw ang mababawas sa mga lansangan.

Proposal pa lang naman daw ito na ihahain nila  sa Metro Manila Council na siyang policy-making ng MMDA.

Pero ngayon pa lamang katakut-takot na ang pumapalag dito.

Aba’y bakit nga naman magdurusa nang husto ang mga nagsikap na magpundar ng sasakyan. Madali raw ang ganitong panukala sa maya­yaman na maraming mga pag-aaring sasakyan na pwedeng magpalit sakaling coding ang isa nilang sasakyan.

Bakit daw ang hindi gawin, eh ang alisin ay yaong mga kolorum na mga pampublikong sasakyan.

Bakit daw ba kasi hindi muna huminto ang LTFRB sa pagbibigay ng mga prangkisa sa mga pampasaherong bus o jeep, gayung labis-labis na ang mga sasakyang ito lalu na ang bus na bumibiyahe partikular sa EDSA na siyang pangu­nahing dahilan nang pagsisikip ng trapik.

Mukhang wala na nga yata talagang solusyon ang ma­tinding trapik sa Metro Manila at kahit pa sinong traffic czar ang hirangin eh talagang bigo na mapatino ang trapik dito.

Aantabay tayo sa kung anong panukala o solusyon ang pwede pang ipatupad ng MMDA patungkol sa trapik, kaya hindi muna marapat na mag-init ang ulo ng maraming motorista.

 

AANTABAY

BAKIT

HALIMBAWA

INAANYAYAHAN

ISANG

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

SASAKYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with