^

Punto Mo

Lampong (341)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAINGAT na pumasok sa kanilang bedroom si Dick. Mula nang sunud-sunod na hindi siya makaiskor kay Jinky ay nagkahiyaan at nagkalamigan sila. Nag-uusap sila pero halatang umiiwas sila sa isa’t isa. Hiyang-hiya si Dick sa asawa.

Pero ngayong kargadong-kargado siya sa talaba, ipakikita niya kay Jinky na siya pa rin ang dating si Dick na matikas at walang inuurungan. Hindi na siya “Dick Lungangi”.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Palagay niya ay natutulog na si Jinky.

Tama ang hula niya. Tulog na nga si Jinky. Nakatalikod ito sa pagkakahiga. Manipis ang suot. Aninag ang mahubog na katawan. Nakalitaw ang magaganda at makikinis na hita. Talagang hindi kumukupas si Jinky. Sa tingin niya ay lalo pang na­giging kaakit-akit. At talagang sayang ang kagandahan nito kung pababayaan. Kailangan ay laging masustentuhan si Jinky.

Ngayon ang pagtutuos nila ni Jinky. Nararamdaman na niya ang “bisa” ng talaba. Pakiramdam niya, mayroon nang umiigkas sa kanyang harapan, he-he-he!

Saloob ni Dick: Humanda ka, Jinky Baby! Romansang itik ang matitikman mo!

Lumapit siya sa kama. Naupo sa tabi ni Jinky. Sinipat kung tulog na nga ito. Tulog na.

Hinawakan niya ang binti. Makinis talaga. Pinung-pino. Itinuloy ang paghipo sa hita. Lalo nang makinis.

Napabuntunghininga si Dick. Mayroon na ngang umiigkas sa harapan niya. Epektib yata talaga ang talaba.

Hindi siya makuntento sa hipo o himas, kaya hinalik-halikan niya ang binti at hita ni Jinky. Pataas nang pataas.

Pero walang reaksiyon. Tulog na tulog si Jinky.

Sabagay, mas maganda kung magigising na lamang siya sa sarap. Romansang itik ni Dick ang gigising sa kanya.

Inalis ni Dick ang sagabal sa kanyang katawan. Inum­pisahan niya ang romansang itik. Naniniwala siya na na­numbalik ang sigla sa kanyang pagkalalaki.

Nakita niyang kumilos si Jinky.

Nagmulat. Tumingin sa kanya.

Pero tinuloy niya ang ginagawa. Wala nang maka­pipigil sa kanya.

(Itutuloy)

vuukle comment

DICK

DICK LUNGANGI

JINKY

JINKY BABY

NIYA

PERO

ROMANSANG

SIYA

TULOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with