‘Choose your battle’
MATALINO at masipag na empleyado si Theresa pero bakit ganoon? Hindi siya tumatagal sa kanyang trabaho. Pinakamatagal niyang inilagi sa isang kumpanya ay isang taon. Heto kasi ang problema sa kanya: Lagi siyang “palaban†sa mga kasamahan. Ang maliliit na problema na puwede nang pagpasensiyahan ay hindi niya pinalalampas. Dulot nito, madalas na may nakakaaway siya sa opisina. Ikalima na niyang trabaho ito at kagaya ng nauna, nagpasiya siyang mag-resign pagkatapos grabeng away nila ng isang officemate. Sino ba naman ang makakatagal sa environment na halos ang lahat ng tao ay kagalit mo?
Sa exit interview, tinanong ng manager kung bakit lagi siyang nakikipag-away.
“Gusto kong ipakita sa mga tao na matigas ako at hindi basta-basta napatatalo. Ayokong may umaapi sa akin.â€
“Naniniwala ako sa iyo pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Always remember Theresa: Choose your battle. Hindi lahat ng argumento ay dapat mong patulan. â€
Hindi nga ba’t nasisira at natatanggal ang ngipin pero ang dila ay nananatili sa loob ng bibig. Matigas ang ngipin at laging ikinakagat sa pagkain kaya nasisira. Samantalang ang dila ay malambot, adjustable at hindi ginagamit sa pagkagat kaya hindi ito nasisira kagaya ng ngipin. Sa puntong ito, hindi lahat ng matigas ay matibay. “Sometimes, softness is strength.â€
May kakilala ka bang astig o siga noong araw na umabot ng 80 years old pataas? Wala. Dahil sa dami ng kaaway, maaga silang pinatay.
- Latest