Lampong (332)
NANG muling tingnan ni Dick ang lalaki na nasa kabilang kalsada, wala na ito. Saan nagpunta?
“Nawala agad yung la-laking sinasabi ko, Mulong. Nahalata kaya na pinag-uusapan natin siya?â€
‘‘Baka naman hindi. At saka baka naman hindi tayo ang inoobserbahan niya.’’
“Malakas ang kutob ko na tayo ang minamatyagan niya. Bihirang magkamali ang kutob ko.’’
‘‘Gusto mo hanapin ko, Dick? Baka pumasok sa loob ng palengke.’’
“Huwag na. Wala pa naÂmang ginagawa sa atin. Kapag nakita ko uli na nakatingin at saka nag-oobserba, doon ko siya kukumprontahin...’’
‘‘Hindi kaya, may kaugÂnayan sa napansin kong tao na aali-aligid sa bahay noong nasa Maynila ka. Natatandaan mo na nakakita pa ako ng bakas ng sapatos...’’
Nag-isip si Dick.
‘‘Posible, Mulong.’’
‘‘Napansin mo ba kung ano ang suot na sapatos?’’
“Hindi. Nakapokus kasi ang tingin ko sa mukha niya kaya hindi ko napansin ang sapatos…’’
“Malay natin, ‘yung tao na ‘yun pala ang umaaligid sa bahay.’’
“Teka, may naÂalala ako Mulong. Yung mukha ng la-laki ay parang nakita ko na minsan…’’
“Saan mo nakita?â€
“Hindi ko maalala. Teka at iisipin ko…â€
“Hindi sa MayÂnila?’’
“Hindi.’’
“Baka naman kamukha lang, Dick. Meron kasi, kamukha lang pala.’’
Maya-maya, may naalala si Dick. ‘‘Tama! Hindi ako maaring magkamali! Ang lalaking ‘yan ay yung lalaking du-malo sa aking kasal!’’
“Dumalo sa kasal? Imbitado ang lalaking yun?’’
“Hindi ko nga alam. Tinanong ko kay Jinky kung kilala niya pero hindi raw.â€
‘‘Baka mayroong nagsama sa lalaki kaya nakadalo.’’
“Hindi ko alam pero ang sure siya yung lalaking nakita natin kanina.’’
“Misteryoso ito. Kaila-ngan siguro mag-ingat tayo, Dick. Baka minamatyagan tayo para holdapin, kidnapin o kaya’y patayin. Siyempre, marami na kayong pera ni Mam Jinky dahil asensado na ang itikan. Baka may masamang binabalak ang lalaki…’’
“Posible ang iniisip mo Mulong. Dapat mag-ingat tayo. Marami nang masasamang tao ngayon. Ano kaya, bumili na tayo ng baril o mag-hire na ako ng sekyu?’’
(Itutuloy)
- Latest