^

Punto Mo

Lalaking tumalon sa tulay dahil sa depression, nagbago ng isip habang bumubulusok; gusto na niyang mabuhay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TATLONG linggo nang sinusulyapan ng 22-anyos na si John Dittman ang mataas na Aurora Bridge sa Seattle, Washington. Mayroon siyang binabalak!

Alas-onse ng gabi noong Mayo 28, 1979, tinungo ni Dittman ang tulay. Tumayo sa east rail at sinilip ang ilalim ng tulay. Pawang kadiliman ang kanyang nakita roon. Sa isang iglap, nagpasya si Dittman, tumalon siya sa tulay.

Pagpapakamatay ang laging nasa isip ni Dittmann. Nagsasawa na siya sa buhay. Isinisisi niya iyon sa araw-araw na pag-inom ng tranquilizers para malunasan ang kanyang mental illness. Araw-araw din siyang umiinom ng alak. May kung anong makapangyarihang tinig na nagtutulak para siya magpakamatay.

Hanggang sa gawin niya ang matagal nang balak na pagtalon sa Aurora Bridge. Napaka-bilis nang pangyayari. Singbilis ng pagbulusok niya pababa na tantiya niya ay 70 miles per hour. 33 feet per second). Una ang kanyang paa.

Habang bumubulusok, doon na-realized ni Dittmann na mali ang kanyang ginawa. Gusto niyang mabuhay. Masarap ang mabuhay.

Bago tuluyang sumapit sa tubig, naideretso ni Dittman ang katawan. Itinaas niya ang mga kamay. Tinuwid ang mga paa. Iyon ay para hindi bumagsak na una ang tiyan sa tubig.

Dahil sa kanyang ginawa, malinis na malinis na bumagsak siya sa tubig. Malalim ang binagsakan niya pero nagawa niyang makalutang at nakala-ngoy sa dalampasigan. Naka­ligtas siya. Nagkaroon ng ka­unting fractured ang kanyang likod at sugat ang kanyang baga. Pero ang mahalaga, naligtasan niya ang kamatayan.

ARAW

AURORA BRIDGE

DAHIL

DITTMAN

DITTMANN

HABANG

JOHN DITTMAN

KANYANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with