Insp. Sandoval ‘bagman’ ni Isko?
HINDI ang nalalaos na “no take, no contact†policy ni CIDG director Chief Supt. Frank Uyami ang hot topic sa ngayon ng gambling lords sa Manila kundi ang birthday party ng anak ni Insp. Arnold Sandoval, ang hepe ng isang PCP sa Tondo. Halos lahat kasi nang malalaking gambling lords sa Manila ay kinumbida ni Sandoval sa birthday ng anak na gaganapin sa Hunyo 28. Ang tanong ko kay DILG Sec. Mar Roxas ay kung meron bang nilabag si Sandoval sa rules and regulations ng Philippine National Police (PNP)? Maliwanag naman kasi na public service ang sinumpaan ni Sandoval ng pumasok siya sa PNP subalit mukhang “bulsa†service itong ginawa niyang pag-imbita ng gambling lords at ilan pang piling panauhin sa birthday party ng anak. May batas kaya na nagbabawal sa mga pulis na makadaop-palad ang gambling lords? Kaya imbes na itong banta ni Uyami na “I Shall Return†matapos ang election ang matyagan, ang birthday ng anak ni Sandoval ang nagnakaw ng atensiyon ng gambling lords sa Maynila. He-he-he! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?
Sa imbitasyon kasi na ikinalat ni Sandoval, may nakalistang mga pangalan sa ilalim ng heading na Roses, Candles at Memories. Siyempre, meron ding envelopes at nandun ang mga pangalan nina re-electionist Vice Mayor Isko Moreno at Malabon police chief Sr. Supt. Ferdie Ampil, na naging amo ni Sandoval. Ang sa ilalim naman ng mga pangalan nina Moreno at Ampil ay sina Boy Abang Simbulan, Lando Simbulan, Monching del Rosario, Jeff Concepcion, Mila Capati, Delfin Daboy Pasya, Mars de Guzman, Jojo Limpiado Jr., Buboy Go, Joey Cimanes, Raymond Ang, Sonny Santiago, Rodrigo Mendoza, Kayser Chua, Ching de Castro, Ric Arce, Maritess Sy, Chairman Richie Gonzales, Emily Simbulan, Jun Carabana, Rose Ann Bernabe, Gina Gutierrez, Jonathan Abaigar, Rosario Galang at Tessie Castillo. Hayan mga kosa, kayo na ang bahala umarok kung sinu-sino sa kanila ang gambling lords, kolektor ng “tong†sa mga vendor sa Divisoria, mga legal na negosyante at ordinaryong mamamayan. Get’s n’yo na mga kosa?
Sa pagkaalam ko kasi, si Sandoval ay nasa kuwadra ni Moreno, na ayon sa bali-balita ay ang magiging in-charge ng pasugalan at iba pang pagkakitaan sa Maynila sa ilalim ng liderato ni incoming Mayor Erap Estrada. At siyempre, baka si Sandoval ang gagawin ni Moreno na “bagman.†Puwede, di ba mga kosa? Karamihan sa gambling lords na naimbita ni Sandoval ay nanagana sa panahon ni Manila Mayor Alfredo Lim kaya marami sa kanila ang kandidato para masara sa panahon ni Erap. Ang unang kandidato sa sarahan blues ay si Gina Gutierrez, ang financier nang malawakang video karera operation sa Maynila. Ang asawa ni Gina na si Romy ay kumpare ni Lim. Totoo ba na madalas banggitin ni Gutierrez ang pangalan nina Roland, Caloy at Jay sa kanyang ilegal na negosyo? Totoo rin ba na itong kita ng VK ni Gutierrez ay nakatulong mag-finance ng kampanya ni Lim ng nakaraang election? Kasama na rin sa maipasasara ay sina Sy, Concepcion at Pasya, ayon sa kausap ko sa kampo ni Erap.
Abangan!
- Latest