^

Punto Mo

Lampong (332)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SINUNOD ni Mulong ang bilin ni Dick na bantayan sina Jinky habang nasa Maynila siya. Kahit na wala nang nala­lamang problema o banta si Dick, gusto pa rin niyang makasiguro na ligtas si Jinky lalo na sa gabing natutulog ito. Ayaw na ni Dick na malagay sa panganib ang buhay ng babaing minamahal.

Si Jinky pa nga ang tumututol sa kanyang plano. Huwag na raw magbantay si Mulong sapagkat ka­wawa naman at mapupuyat lang ito. Wala na naman daw mga masa­samang loob dahil napatay na nga si Pac. Nahuli na rin ang mga bataan nito. Na­wasak na ang laboratoryo ng shabu. Wala na ring krimen na nangyayari sa barangay nila dahil wala nang mga adik.

Pero ayaw ni Dick. Ka­ilangang magbantay si Mulong. Tumalima naman si Mulong kaya ang nangyari, natutulog siya sa araw at sa gabi gising para magbantay. Maliban sa bahay, nagroronda rin si Mulong sa itikan. Kapag nakaisang ikot sa malawak na itikan ay babalik siya sa may gate ng bahay at doon mauupo. Nasanay na ang mata niya sa dilim. Hindi naman siya inaantok.

Nang gabing iyon, naka­rinig ng kaluskos si Mulong sa dakong likod ng bahay. Mabilis siyang kumilos. Hawak ang Kamagong na pag-aari ni Dick, dahan-dahan siyang nagtungo sa likod. Sa likod ay maraming puno ng Indian mango at lansones.

Bahagyang madilim. Tumigil siya at nakiramdam. Nawala ang kaluskos. Pero hindi siya umalis. Naghintay siya ng ilang minuto. Walang kaluskos o anupamang ingay.

Naisip ni Mulong na baka pusang lampong lang iyon. Naghahanap ng makakatalik.

Nagbalik siya sa puwesto.

Pero makalipas ang 20 minuto, may nararamdamang kakaiba si Mulong. Parang may nakatingin at nagmamatyag sa kanya. Pinag-aaralan ang kilos niya.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa Kamagong. Kailangang maging handa siya.

Lalaban siya at ipagta­tanggol sina Jinky sa kung sinumang halimaw na sasalakay!

(Itutuloy)

AYAW

JINKY

KAMAGONG

MULONG

PERO

SHY

SI JINKY

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with