Lampong (323)
“SINABI yun sa iyo ni Tanggol, Mulong?†tanong ni Jinky.
“Opo. Noon pang nagbabantay kami sa itikan ay sinabi na niya ang pagÂhanga sa iyo. Hindi lamang siya makapagtapat kasi nga, malayo ang agwat n’yo… ikaw ang may-ari at siya ay isa lamang tauhanÂ…â€
Napatungo si Jinky. Naalala niya ang ginawang pagliligtas sa kanya ni Tanggol noon. Niligtas siya sa dalawang lasing habang naliligo siya sa ilog. Hindi niya iyon malilimutan. Itinaya ni Tanggol ang buhay para siya mailigtas. At ngayon nga ay niligtas siya kay Pac. Muntik na siyang mapahamak kung hindi nailigtas ni Tanggol. Kaya pala ganoon na lamang ang pagmamalasakit ni Tanggol sa kanya ay dahil may itinatago pala itong damdamin sa kanya. Halos nagkakapareho ang nararamdaman nila. The feeling is mutual.
“Mam Jinky, pakiusap po huwag mong sasabihin kay Tanggol na sinabi ko ang lihim niya. Baka po magalit sa akin ang kaibigan ko.’’
Nagtawa si Jinky.
“Huwag kang mag-alala, Mulong. Hindi ko sasabihin kay Tanggol ang ipinagtapat mo. Tayong dalawa lang ang nakaaalam.’’
“Salamat po, Mam.’’
“Sana ay makita na natin at makausap si Tanggol.â€
“Ano po ang sabi ng doctor?â€
“Maayos na raw ang kaÂlagayan pero hindi pa maaring kausapin dahil sa sugat sa ulo.â€
“Siguro po bukas ay maaari na siyang kaÂusapin.â€
“Depende sa sasabihin ng doctor.â€
“Ang mabuti pa po Mam ay uuwi na kami ni Tina para may tao sa bahay mo. Ikaw na lang po ang magbantay kay Tanggol.â€
“Sige, Mulong. Kayo na muna ni Tina ang bahala sa bahay.â€
Umalis na sina Mulong.
KINABUKASAN, siÂnabi ng doctor na maaari nang kausapin si Tanggol. Sabik na sabik si Jinky. Nagtungo siya sa silid ni Tanggol.
Nakatalikod si Tanggol nang maratnan niya.
“Tanggol!†Tawag niya.
(Itutuloy)
- Latest