^

Punto Mo

EDITORYAL - Bangis ng leptospirosis

Pang-masa

NOONG Biyernes at Sabado ng gabi ay bumaha sa ilang lugar sa Metro Manila. Hudyat na pumasok na nga ang tag-ulan. Ang pag-ulan at pagbaha ay hudyat na rin ng pananalasa ng leptospirosis. Ang leptospirosis ay sakit na nakukuha sa ihi ng daga. Humahalo ang ihi ng daga sa baha. Kapag lumusong sa baha ang isang tao na may sugat sa paa o binti, papasok doon ang virus at nasa panga­nib ang kanyang buhay kung hindi maaagapan na dalhin sa doktor.

Ayon sa Deparment of Health (DOH) ang sintomas ng leptospirosis ay: lagnat, panginginig ng katawan, pananakit ng binti, kalamnan, at kasu-kasuan, pamumula ng mga mata, paninilaw ng balat, kulay tsa na ihi, kakaunti ang iniihi at sobrang pananakit ng ulo.

Kapag nakaranas ng mga nabanggit na sintomas, dalhin agad sa doktor ang pasyente.

Ipinapayo sa mga magulang na huwag hayaang maglaro o kaya’y maligo sa baha ang kanilang mga anak. Ipinapayo rin na magsuot ng bota ang sinumang lulusong sa baha lalo na kung may sugat sa paa.

Napakaraming daga lalo na sa Metro Manila. At walang ibang may kasalanan nang pagdami ng mga ito kundi ang mamamayan na rin. Walang disiplina sa pagtatapon ng kanilang tirang pagkain sa mga imburnal, kanal at estero. Tapon lang nang tapon at tambak na lang nang tambak kung saan-saan.

Ayon sa Department of Health, 2,374 katao ang nagka-leptospirosis noong nakaraang taon. At maaa-ring dumami rin ngayong 2013 kung hindi mabibigyan ng babala at payo ang mamamayan.

Magtulung-tulong sa paglipol sa mga daga para ganap na mawala ang leptospirosis. Panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay. Kung malinis at maayos ang pagtatapon ng basura, walang mabubuhay na daga. Kayang puksain ang mga daga sa pamamagitan ng paglilinis. Walang mabangis na daga sa mamamayang masipag maglinis ng kapaligiran at tahanan.

AYON

DAGA

DEPARMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF HEALTH

IPINAPAYO

KAPAG

METRO MANILA

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with