^

Punto Mo

EDITORYAL - Batas sa drunk driving

Pang-masa

MARAMING nangyayaring malalagim na aksidente sa Metro Manila at ito ay dahil sa pagmamaneho nang lasing o kaya’y naka-droga. Ayon sa report ng Metro Manila Development Authority (MMDA) bumabangga sa pader, poste ng ilaw at haligi ng MRT at LRT ang mga sasakyang naaksidente. Mayroong tumatawid sa kabilang lane at binabangga kasalubong na sasakyan. Masaklap na mas maraming namamatay sa binanggang sasakyan kaysa sa bumangga na ang drayber ay lasing o bangag sa droga.

Ang pagtaas ng bilang ng mga aksidente dahil sa drunk at drugged driving ay maaari nang mabawasan makaraang lagdaan ni President Noynoy Aquino ang Republic Act 10586 o  “Anti-Drunk and Drugged Dri-ving Act of 2013” noong nakaraang linggo. Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak at pinagbabawal na droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Kapag mayroong napinsala at namatay, magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000 at makukulong din.

Ang batas ay ipatutupad ng Philippine National Police, Land Transportation Office at Metro Manila Development Authority.

Ngayong ang PNP at MMDA ay kabilang sa mga magpapatupad ng batas, marami ang kinakabahan na magamit ang batas sa pangongotong ng mga “bugok” na miyembro. Maaaring pagkaperahan ng mga tiwali ang mga mahuhuli nilang lasing o bangag sa droga. At sa dakong huli, mababalewala ang batas. Magiging problema rin kung ang nahuling lasing at bangag ay anak ng mayama’t maimpluwensiya.

Isa pang ipinangangamba ay kung magkakaroon ng mahusay na equipment ang gobyerno para matiyak kung lasing o bangag ang drayber. Ayon sa batas, gagamit ang traffic enforcers ng breath analyzer para matiyak kung lasing o bangag ang drayber.

Sana, maipatupad nang maayos ang batas na ito.

AYON

BATAS

DRI

ISA

KAPAG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with