^

Punto Mo

Lampong (319)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“B UHATIN ito. Buhay pa. Dalahin sa ospital,” sabi ng team leader ng PDEA makaraang pulsuhan si Pac.

Lumapit ang isang agent.

“Sir, tuluyan ko na lang yan! Yang taong yan ang salot dito. Pati anak ko, na­ging drug addict dahil d’yan. Nanghinayang ako sa anak ko Sir. Dapat graduate na siya pero ngayon nasa rehab pa.’’

“Huwag! Hayaan nating ang korte ang magparusa sa taong ito. Tiyak naman na mabubulok ito sa kulungan dahil sa dami nang nakum­piskang shabu sa bahay at mga kamalig niya.’’

“Baka Sir makalabas pa ’yan. Ang dami raw pera niyan. Baka pagnasa Munti na ’yan ay mamudmod lang ng pera sa mga opisyal doon.’’

“Magtiwala ka sa batas natin. Sundin natin kung ano ang nasa batas.’’

“Sir Yes Sir!’’

Binuhat nila si Pac patungo sa sasakyan. Dalawang agent ang nagtulong. Ang team leader­ ay nagpatuloy sa pagkalap pa ng mga ebidensiya sa loob ng bahay.

Maya-maya, nakarinig ng putok ang Team leader. Nagmamadali siyang nagtungo sa baba. Nagkakagulo ang mga agent. Hanggang sa makita niya na nakabulagta sa loob ng police car si Pac. Duguan. May tama sa dibdib.

“Anong nangyari?”

“Bigla Sir inagaw ang baril ko,” sabi ng agent na nagbuhat. Nag-agawan kami. Hanggang sa pumutok at tinamaan siya sa dibdib.’’

Napailing-iling na na lang ang team leader.

“Sige dalhin na ’yan. Baka batikusin na naman tayo ng media niyan. Kapag may napapatay na kriminal, sasabihin sinalvage natin.’’

Nang matapos ang pag-iimbestiga sa bahay ni Jinky ay umalis na ang mga ahente ng PDEA. Ipatatawag na lang daw ang mga may-ari ng bahay.

Nang mga sandaling iyon ay nasa ospital na si Tanggol at ginagamot ng mga doktor ang tama sa tagiliran.

Si Jinky ay nasa labas ng operating room. Nagdadasal na makaligtas si Tanggol.

‘‘Diyos ko, iligtas mo po si Tanggol. Mahal ko po siya.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

BAKA SIR

BIGLA SIR

HANGGANG

NANG

SI JINKY

SIR YES SIR

SIR. DAPAT

TANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with