^

Punto Mo

Utak ni Einstein, agad inalis makaraang mamatay para mapag-aralan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ITINUTURING na ang utak ng German physicist na si Albert Einstein ang pinakamahalagang organ ng 20th century. Nakilala si Einstein dahil sa kanyang General Theory of Relativity. Hinangaan din siya dahil sa kanyang explanation sa phenomenon na tinatawag na photoelectric effect. Ipinanganak sa Germany noong Marso 14, 1879 pero itinakwil niya ang pagiging German nang mamayagpag ang Nazi ni Adolf Hitler noong World War II.

Nag-migrate sila sa United States at nanirahan sa Princeton, New Jersey. Nagsimula siyang magtrabaho bilang clerk. Namatay siya noong Abril 18, 1955 sa edad na 76. Ruptured artery sa kanyang puso ang dahilan ng kamatayan ni Einstein.

 Umano’y isang oras makaraan siyang mamatay, agad na kinuha ng mga doktor ang utak ni Einstein para pag-aralan. Gustong matuklasan kung ano ang dahilan ng kanyang labis na karunungan. Maraming neuro-scientists ang sabik pag-aralan ang nasa utak ni Einstein.

Nang makuha ang utak, maraming nalaman ang mga scientist na ka­ibahan ng utak ni Einstein sa ibang tao. Sobrang genius talaga si Einstein.

Ang nakapagtataka, makaraang pag-aralan ang utak ni Einstein, bigla itong nawala at hindi malaman kung saan napunta. May nagsabing pinaghati-hatian ang utak para mapalawak ang pag-aaral. May nagsasabing ang pinaka-main section ng utak ni Einstein ay nasa doktor na umopera sa ulo nito.

Bukod sa utak, pati raw ang eyeball ni Einstein ay inalis din para pag-aralan. Ito raw ay nasa pag-iingat din ng doktor na umopera sa utak ni Einstein. May nagsasabing nasa safe deposit box sa New York ang eyeball.

vuukle comment

ABRIL

ADOLF HITLER

ALBERT EINSTEIN

EINSTEIN

GENERAL THEORY OF RELATIVITY

NEW JERSEY

NEW YORK

UNITED STATES

UTAK

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with