^

Punto Mo

Lalaking nabuslo sa inidoro, nahirapang maiahon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKARINIG ng sigaw ang mga dumadaan mula sa loob ng isang portable toilet na nasa compound ng isang ginagawang building sa Claremont, Cape Town, South Africa, kamakailan. Akala ng ibang nagdadaan ay kung anong ingay lamang ang kanilang naririnig pero nang marealized nila na nagpapanik na ang sigaw mula sa loob, agad na silang sumaklolo. Tumawag sila ng security officer para makatulong sa nasa loob ng toilet.

Nang buksan ang portable toilet, ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat sapagkat nakita nilang ang binti, braso at ulo ng isang lalaki ang nakalitaw sa inidoro. Kumakawag ang lalaki habang nakabuslo. Hirap na hirap sa kanyang posisyon.

Inabot ng 40 minuto bago tuluyang naiahon sa inidoro ang lalaki. Ayon sa nakasaksing si Badyu Adams, isa siya sa unang dumalo para tumulong sa lalaki.

Ang isang nakadidismaya ayon kay Adams, habang siya at ilang tao ay tumutulong para maiahon ang lalaki, ang iba ay inuna pang kumuha ng picture at video sa kawawang lalaki. Parang natutuwa pa sa nangyari sa lalaki.

Mayroon namang nagsabi na baka raw “high” sa droga ang lalaki dahil mapula ang mga mata nito nang maiahon. Ayon pa kay Adams, hindi naman mapagkakamalang palaboy o pulubi ang lalaki dahil mayroon itong hawak na iPhone habang nakabuslo sa inidoro. (www.oddee.com)

vuukle comment

AYON

BADYU ADAMS

CAPE TOWN

CLAREMONT

HIRAP

INABOT

KUMAKAWAG

LALAKI

MAYROON

SOUTH AFRICA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with