^

Punto Mo

DepEd handa na nga ba sa pasukan?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ilang araw na lamang ay magbubukas na ang mga klase partikular sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Gaya nang pahayag ng DepEd nakahanda na umano sila sa muling pagbabalik-eskuwela ng milyun-milyong mga mag-aaral sa darating na Lunes.

Pero base naman sa ilang report ng ilang mga paaralan, marami pa rin ang hindi naisasaayos lalu na nga ang problema sa kakulangan sa mga silid-aralan.

Mukhang hindi nagpapakatotoo dito ang DepEd, dahil mismong dito pa lamang sa Metro Manila, magiging matinding problema na ng mga guro at school officials ay ang kakulangan ng silid-aralan.

Taun-taon na lamang sa tuwing magbubukas ang klase, ito  ang matinding kalbaryo na kinakaharap ng mga mag-aaral.

Lalo pa ngang tumindi ang problema o kakulangan sa silid-aralan dahil sa pagpapatupad ng K2-12 curriculum.

Bukod pa rito, marami na galing sa mga pribadong paaralan ang lumipat o nag-transfer na rin sa mga public schools, ito dahil sa mataas na tuition fee sa pribadong paaralan na hindi na nakakayang matustusan ng maraming mga magulang, kaya lobo talaga ang nasa pampublikong paaralan.

Hindi na tayo magtataka na sa pagbubukas ng klase sa darating na Lunes, yung mga dating tanawin o problema na naranasan na sa mga nakalipas na taon, ito pa rin ang sasalubong sa Lunes, tiyak yan, baka nga lalo pang lumala, imbes na masolusyunan.

Nandyan na makikita natin na nagsisiksikan sa maliit na silid-aralan ang sangkaterbang mga mag-aaral, nandyan ang nagkaklase sa ilalim ng puno o kung wala nang puno ay baka sa initan ng araw.

Yan na nga ba ang sinasabi ng maraming mga guro at magulang. Hindi naman daw sila tutol na mapataas ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral sa bansa, kaya nga lang sana ay inuna munang masolusyunan ang ganitong mga problema ang kakulangan sa silid-aralan at maaayos na paaralan.

Aantabay na lang tayo kung paano ito haharapin ng DepEd at ng mga kinauukulan.

vuukle comment

AANTABAY

BUKOD

GAYA

ILANG

METRO MANILA

MUKHANG

NANDYAN

PAARALAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with