Lampong(303)
“S A palagay mo Raul, maraming tauhan si Pac?†tanong ni Tanggol.
“Mga 100 po siguro. Karamihan po ay mga trabahador niya sa kuhulan ang mga bataan niya.’’
“Nakita mo na ang mga bataan niya?â€
“Hindi po, Sir Tanggol. Ayaw po kasing papasukin sa kanilang lugar ang mga hindi trabahador na katulad ko. Parang may tinatago siya. Sa gate lamang po ako.’’
“Yung si Nognog, nakapasok?â€
“Opo. Labas-masok si Nognog sa sinasabi nilang headquarters.â€
“Anong headquarters?â€
“Hindi ko nga po alam.â€
“Pero doon din ang kuÂhulan?â€
“Opo. Malaki raw ang sakop ng kuhulan. Ekta-ektarya. Ang nakapagtataka ay kung bakit ayaw nilang magpapasok ng ibang tao. Parang may itinatago sa loob.’’
Nag-isip si Tanggol at Jinky. Palaisipan ang negosyo ni Pac.
“Pero talagang may kuhulan sila di ba, Raul? Sila ang nagdedeliber ng kuhol sa akin para ipakain ko sa mga itik.â€
“Hindi nga po ako sigurado Mam dahil hindi ko nakita kung kuhulan nga ang nasa loob. Basta ang naririnig ko, kuhulan daw ang nasa loob?â€
“May duda ako na hindi kuhulan ang nasa loob, Mam Jinky?â€
“Ano ang iniisip mo, Tanggol?â€
“Baka shabu laboratory iyon. Sinasabi lang ni Pac na kuhol ang negosyo niya para hindi maghinala ang mga awtoridad.’’
Sumabad si Raul.
“Iyan din po ang una kong kutob.’’
“Kailangan pala e maÂtiyak natin kung totoo ang hinala natin.’’
“Anong gagawin n’yo Tanggol?â€
“Susubaybayan namin ang lungga nina Pac.â€
“Natatakot ako, Tanggol. Baka mapahamak kayo. Tiyak na maraming bataan si Pac.’’
“Susubaybayan namin at kung matiyak na shabu lab nga ang kanyang itinatagong lugar, isusuplong na namin sa PDEA.’’
“Sige Sir Tanggol, sasama ako,†sabi ni Raul.
“Ako rin, Tanggol,†sabi ni Mulong.
“Sige, bukas, umpisahan natin ang pagsubaybay.â€
(Itutuloy)
- Latest