Nick Vujicic (2)
MAGBASA ng Bibliya. Ang lahat ng katotohanan ay nasa aklat na ito. Ito ang tutulong para malaman kung ang mga pumapasok sa iyong isipan ay mula sa Diyos o kay Satanas.
Noong Sabado ko lubusang naintindihan ang mga katagang “The truth will set you free.†Because God’s Word, the Bible is the truth, magiging malaya ka sa kasamaan kapag nasa puso mo ang Diyos. Ang Bibliya ang magiging gabay mo para mapalapit sa Diyos.
Katuwang ng pagbabasa ng Bibliya ang pagdarasal. Ang dalawang ito ang magbibigay ng lakas para magawa ang mga bagay na akala mo ay imposible. Sa kaso ni Nick Vujicic, hindi naging hadlang ang kawalan ng braso para maabot at mahawakan ang buhay ng mga tao sa iba’t ibang bansa sa mundo. Kapag nasa puso mo ang Diyos, walang imposible. Philippians 4:13 – “I can do all things through Christ who gives me strength.â€
May isang speaker noong Sabado na naghayag din ng kanyang testimonya. Noong Hunyo 2010 ay naaksidente siya sa pagsakay ng motor. Dineklara siyang paralitiko at walang maramdaman o maigalaw na bahagi ng katawan mula balikat pababa. Mayroon lamang umanong 1% chance na makalakad muli. Pero sa tulong ng pagdarasal ng mga tao sa kanya, sa paniniwala na siya ay muling makakalakad, sa awa ng Diyos, siya ay nakakalakad na ngayon. Walang hindi nagagawa ang Diyos. Basta’t manalig.
Napakaraming aral at kuwento ang ibinahagi ni Nick, ngunit hindi ko na maiisa-isa. Basta ang kanyang ipinaalala: Habang may buhay ay may pag-asa at walang imposible kung mananalig ka. At huwag gawing dahilan ang kapansanan upang hindi makagawa nang malalaking bagay sa mundo.
Tigilan mo ang pagtingin sa kung anong wala ka. Bagkus ay gamitin mo kung ano ang mayroon ka.
Ito ay ipinagkaloob sa iyo dahil may magandang plano ang Diyos para sa iyo.
Si Nick ay ikinasal noong isang taon at ngayon ay may anak na. Siya ay halimbawa ng isang taong ipinanganak ng may kakulangan ngunit hindi ginawang hadlang upang mamuhay nang tama.
Kung si Nick ay minsang nakita lamang bilang disabled, ngayon ay patunay siya na God is able.
- Latest