Lampong (301)
T ULUY-TULOY na nahulog si Nognog sa hukayÂ. Ang ilalim ng hukay ay may nakaabang na matuÂtulis na kawayan. Inihanda ang patibong na iyon para sa mga hayop-gubat at sa mga taong nagtatangkang magnakaw. Si Nognog ang nabiktima ng patibong.
Nakabibingi ang sigaw ni Nognog nang bumulusok sa hukay. Walang nabubuhay sa sinumang mahulog doon.
Si Raul ay hindi nakapagsalita sa bilis ng pangyayari. Iglap lang at agad nagbayad si Nognog sa mga naging kasalanan nito.
Si Tanggol na nasa di-kalayuan ay hindi rin nakapagsalita nang tuluy-tuloy na mahulog si Nognog. Hindi nadungisan ang kanyang mga kamay. Si Nognog ang humanap ng sariling libingan.
“Nakaganti ka na Sir,†sabi ni Raul sa mahinanng boses. Wakwak ang damit nito sa dibdib. May bahid ng dugo.
“Hanga ako sa ginawa mong paraan, Raul. Paano mo nalamang may patibong diyan?â€
“Inihulog na ako diyan ni Nognog, Sir.â€
Mangha si Tanggol.
“Anong ginawa mo at inihulog ka?â€
“May topak sa ulo si Nognog. Kapag nalasing, nag-iiba ang ugali. Nagtalo kami minsan. Lasing na kami. Nang matalo ko siya sa debate, nagalit at inambahan ako ng samurai. Natakot ako. Habang nakaamba ang samurai, inutusan akong bumaba sa hukay na iyan. Nang hindi ko sundin, tinadyakan ako. Nahulog ako. Pero nakakapit ako sa bunganga ng hukay. Nagmakaawa ako sa kanya. Ang ginawa, iniabot ang talim ng samurai at doon ako pinahawak. Hindi ko hinawakan. Mamamatay din lang ako kaya pinili kong dumausos sa hukay. Dahan-dahan. Bahala na…’’
“Anong nangyari?â€
“Himala ang nangyari dahil ang natapakan kong tulis ng kawayan ay maÂlambot. Parang nabulok ang kawayan…â€
(Itutuloy)
- Latest