^

Punto Mo

Lampong (300)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DUMALUHONG si Nogn­og kay Raul. Inundayan ng samurai sa katawan. Pero nakailag si Raul. Ang damit niya ang inabot ng samurai, wakwak ang damit niya.

“Etong pangalawa ang hindi mo maliligtasan, hayup ka!” Sabi ni Nognog at muling dumaluhong at inupakan muli si Raul. Ubos tinding unday. Pero kabisado na ni Raul ang style ni Nognog. Madaling mapagod ang traidor. Kailangang lansihin niya ito. Mabigat ang samurai at hindi agad makaka­bawi. Pawang pag-ilag ang ginawa niya. Kung bihasa si Nognog sa pag-unday ng samurai, mas kabisado naman niya ang pag-ilag dito.

Nang muling uunday si Nognog, nagpahabol na si Raul. Kailangang makababa siya sa kubo at dito siya magkakaroon ng pagkakataon para malansi ang traidor.

“Kahit saan ka pumunta, hahabulin kita hayop ka! Tatadtarin kita!”

“Puro ka dada, Nognog. Gawin mo na lang. Kapag hindi mo ako natadtad, ikaw ang ipakakain ko sa mga ba-yawak. Kilala mo ako, Nognog!’’

Mabilis na nakababa ng hagdan si Raul. Sumunod si Nognog. Desididong tapusin siya. Pero ngayong malawak na ang gagalawan niya, makikita ni Nognog ang hinahanap niya.

“Sige Nognog, subukan mo kung kaya mo akong tadtarin.’’

Pero hindi na nagsalita pa si Nognog. Mabilis na lumapit kay Raul at walang puknat ang ginawang pag-samurai. Pawang pag-ilag ang ginawa ni Raul. Paatras siya nang paatras. Kabisado niya ang lugar na ito. Marami ritong hukay na may mga nakaumang na matutulis na kawayan. Kapag sumugod si Nognog, sa butas ang tuloy niya. Tiyak hindi siya mabubuhay.

“Kahit saan ka pumun-ta, susundan kita. Tatadtarin kita nang pinung-pino!

“Sige lumapit ka pa! Lapit!’’

Dumaluhong si Nog-nog. Tuluy-tuloy. Hindi niya alam, hukay na ang tinutu­ngo niya.

“Yaaaahhhh!’’

Hulog siya sa hukay.

(Itutuloy)

KAHIT

KAILANGANG

KAPAG

MABILIS

NIYA

NOGNOG

PAWANG

PERO

RAUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with