Bacon, sekreto nang mahabang buhay?
KASI-CELEBRATE lang ng ika-105 na taong kaa-rawan ni Pearl Cantrell at ayon sa kanya, mahaba pa ang kanyang lalakbayin sa buhay. At ang sekreto nang kanyang mahabang buhay --- ang pagkain ng bacon. Araw-araw siyang kumakain ng bacon at hindi siya nagsasawa rito. Ayon kay Pearl ng Texas, hindi ang healthy diet, exercise at medication ang dahilan nang mahaba niyang buhay kundi ang paborito niyang bacon. “I love bacon. Ito ang araw-araw kong kinakain at pakiramdam ko ay hindi ako tumatanda.’’
Si Pearl ay may pitong anak na solo niyang pinalaki makaraang mabiyuda noong siya ay 38-taong gulang. Hindi na siya nag-asawa mula noon. Marami siyang pinasukang trabaho kagaya ng tagakolekta ng cotton at taga-ipon ng dayami.
Ang bacon ayon sa mga scientists ay pinagdududahan kung makabubuti o makasasama sa katawan kapag sumobra sa kunsumo. Ayon sa pag-aaral, wala pang makapag-decide kung makabubuti ang pagkain ng bacon araw-araw.
Batay sa research, ang mga processed foods na gaya ng bacon ay nagdadagdag ng 20 percent na panganib sa buhay. Kailangang mas mababa sa 20 grams ng bacon ang dapat kainin. (www.unexplainedmysteries.com)
- Latest