Lampong(296)
“TOTOO kaya ang sinasabi ng taong yan, Tanggol?†tanong ni Jinky habang nakatingin sa lalaking nakagapos.
“Palagay ko ay nagsasabi ng totoo.â€
“Gusto kong makasi-guro, Tanggol. Kasi baka pakawalan mo yan ay hindi naman pala nagsasabi ng totoo.’’
Napatangu-tango si Tanggol. May katwiran si Jinky. Baka nga nilalansi sila ng lalaking ito. Nagmumukhang tupa lang ito at saka sasalakay na parang tigre.
“Narinig mo ang sinabi ng babaing kasama ko, baka nilalansi mo lamang kami para ka makalaya. Magsabi ka na ng totoo. Kung niloloko mo lang kami, tutuluyan na kita. Hindi na kita kakalagan ng tali at ihuhulog na lang kita pababa sa bundok na iyan. Kakainin ng ba-yawak ang katawan mo!â€
“Totoo po ang sinasabi ko. Si Mang Pac po ang nag-utos na patayin ka para raw masolo ang babaing kasama mo. Pero hindi po ako ang inutusan kundi ang kasama ko. Nakatakas po siya. Ako lamang po ang naglagay ng sanga sa kalsada. Kaya naman po ako may pamalo ay dahil pananggalang ko pero hindi po ako mamamatay tao…’’
Nakatingin si Tanggol at pinag-aaralan ang mga sinabi ng lalaki. Consistent ang sinasabi. Ganun din ang sinabi kanina.
“Hindi ba talaga ikaw ang naghagis ng bato? Muntik nang mamatay ang kasama ko dahil dun,†sabi ni Jinky.
“Hindi po ako Mam. Hindi po ako. Maawa po kayo sa akin!â€
Nakatingin si Tanggol at Jinky.
“Pakawalan mo na Tanggol. Nagsasabi siya ng totoo.’’
Kumilos si Tanggol. Lumapit sa lalaki.
(Itutuloy)
- Latest